Sunday , November 17 2024

Makabayang kanta nina Ka Freddie at Ely malampasan kaya ang Paubaya at Panalo?

DAHIL siguro sa may presidential election sa susunod na taon, biglang uso na naman ang mga makabayang awitin. Tampok ang ilan sa mga awiting ‘yon sa You Tube channel ng grupong We Need A Leader PH.

Isa sa mga awiting ‘yon ay ang Metro ni Ely Buendia. Hindi ito ukol sa Metro Manila kundi sa panukat (measuring stick). Isa si Ely sa mga pinakasikat na singer-songwriter sa ating bansa dahil sa grupo n’ya noong Dekada 90 na Eraserheads na napakaraming naging hits.

Maging ang music video ng mga awiting Bayan Kong Mahal—na ang music and lyrics ay gawa ni Lolita Carbon at kinanta ng ASIN Band—at May Bukas Pa Bangon Bayan ng Aegis ay naroon din.

Nasa We Need A Leader PH din ang music view ng mga bersiyong Bisaya na Nasud Kong Hinigugma at May Ugma Pa Bangon Nasud.

Heto ang lyrics ng Metro:

“Bulag sila sa mga pahirap / Na iyong nararanasan / Di nila naiintindihan

“At may mga nagbibingi-bingihan / Sa mga kasinungalingan / Di kaya sila ay bayaran?

“Kamatayan at sakit / Kalayaan ay nagigipit / Lupa at dagat natin ay pinagsasanla /Kapatid, di pa ba nagsasawa?

“Tumatakbo ang metro / Huwag ka nang muling magpapalinlang / Sa pangakong pinako / Mga abuso sa kapangyarihan At maling pamamalakad / Ang sagabal sa kaunlaran

“Walang pinuno ang hindi marunong/ Lutasin ang mga problema/ Ito’y panata nila sa bayan / Simulan ang pagbabago sa isang pinuno / Na may pagmamalasakit at paninindigan

“Panahon na upang imulat ang mata sa katotohanan/ Pandemya at kawalan ng kabuhayan / Asan na ang nawawalang lupa’t pera? / Bagsak ang ekonomiya / Di ka ba nagtataka?

“Pinunong may talino, puso at tapang / Ito ang kailangan ng ating bayan

“Kapatid, di pa ba nagsasawa?

“Tumatakbo ang metro /Isa lang ang inyong pagpipilian

“Pangulo ba o panggulo? (6x)

Samantala, noong Pebrero 15, 2021 ay  in-upload ang music video ng kantang Ang Lider 2022 ni Ka Freddie sa YouTube channel din ng We Need A Leader PH.

Heto naman ang titik ng Ang Lider 2022 ni Freddie Aguilar:

“Bagsak ang ekonomiya Ng bayan kong sinta/ Milyon ang walang trabaho

“Dahil sa Covid na ito/ Idagdag mo pa ang West Philippine Sea /Mga bagyong matitindi

“Kawawa ang bayan / Kawawa si Juan / Mabigat ang problema Ng susunod na Pangulo

“Kaya ang piliin ninyo /Dapat ay may talino / May kakayahan siyang mamuno/ Busilak ang kanyang puso / Para sa Inang Bayan

“Inang Bayan Ang Presidente ko’y may utak / May paninindigan/ Siya ay tunay na leader / May bayag at matapang

“May prinsipyo /May puso at damdamin sa tao… 

Malamang ay may susulpot pang mga awiting makabayan din ang tema.

Puna nga pala ng katoto sa panulat na si Jerry Olea, isa sa bumubuo ng grupong Troika ng PEP. ph entertainment website: mapapantayan ng mga makabuluhang awit na ito ang pambubulabog ng Panalo at Paubaya.

Update ni Jerry tungkol sa Panalo at Paubaya sa report ng Troika kamakailan: ”As of this writing, halos 53M views na sa YouTube channel ng Wish 1075 ang music video ng ‘Panalo’ ni Ez Mil, na nag-premiere noong Enero 29, 2021.

“Ang official music video ng ‘Paubaya’ ni Moira de la Torre ay lampas 25M views na sa kanyang eponymous YouTube channel mula nang mag-premiere noong Pebrero 14, 2021.”

Nag-ulat na rin si Jerry tungkol sa official music video ng What? ng P-pop boyband na SB19. Naka-4.7M views na ang nasabing music video mula nang mag-premiere noong Marso 9, Martes, sa YouTube channel na SB19 Official.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *