Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla natuwa sa positive feedback ng LOML

MALAPIT sa puso at relatable para kay Carla Abellana ang kuwento ng kanyang pinagbibidahang GMA primetime series na Love of My Life na bida ang realidad ng isang moder­nong pamilya sa kasa­luku­yang panahon.

Ayon kay Carla na gumaganap bilang Adelle, hindi naman dapat manatiling ‘broken’ ang isang tao sa kabila ng pagkakaroon ng imperpekto at komplikadong pamilya gaya ng napapanood sa kanilang serye.

Anang aktres, “At least maganda na ngayon, 2021 na, may ganitong kuwento, may ganitong teleserye tulad ng ‘Love Of My Life,’ na nagpapakita na ‘yung ganitong setup – ‘yung ganitong klaseng pag­ka-mo­dern na family na hindi laging nagkaka­sundo but, at the end of the day, family pa rin kayo.”

Lu­bos naman na na­tu­tuwa si Carla sa positive feedback at mataas na ratings na natatanggap ng serye at para sa kanya ay malaking factor ang pagka-realistic ng characters nila.

The good thing about the story of ‘Love Of My Life,’ you’ll see the flaws of everyone, you’ll see kung ano ang weaknesses nila, lalo na kapag nagka-clash ‘yung characters. Hindi siya formula eh, parang very unexpected s’ya, very realistic,” aniya.

Patuloy na napapanood ang Love of My Life, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …