Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen-Derek tinalo ang KathNiel, AshMatt sa pagka-sweet

SA pag-amin ni Derek Ramsay sa March 1 issue ng Mega online magazine na handa siyang pakasalan si Ellen Adarna kahit na ”bukas na bukas din,” biglang naging hot na hot na talaga ang real-life love team nila.

Kahit hindi na sila mga bata (48 na si Derek at 32 na si Ellen), talbog nila sa panahong ito sa exposure sa traditional media at new (social) media ang real-life young love teams nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, Maine Mendoza-Arjo AtaydeNadine Lustre-James Reid, Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli, at Maymay Etrata-Edward Barbers. 

Parang natabunan na nga ng Derek-Ellen real-life loveteam ang TV love team nina Ellen at John Estrada sa John En Ellen sa TV5.

Posibleng may mga tao na alam na mag-jowa na ang ex ni John Lloyd Cruz at ex ni Andrea Torres pero wala silang kamalay-malay na may John En Ellen sa TV5 tuwing Linggo, 7:00 p.m..

‘Di kaya lihim na nagsisisi si John kung bakit nai-blind date pa n’ya si Derek kay Ellen sa isang production meeting ng John En Ellen noong January sa isang restoran na natulikap sila ni Ruffa Gutierrez at sinabihang magkakalapit lang and mga bahay nila sa Ayala Alabang?

Kung si John ang nagpakilala nang personal sa isa’t isa kina Ellen at Derek, si Ruffa naman ang nagbigay ng idea kay Derek na mag-host ng dinner para sa kanilang tatlo at ilan pang mga kaibigan sa mala-hotel sa laki ng bahay ni Derek.

Samantala, parang okey din naman sa ratings ang John en Ellen. Ayon sa latest post sa Facebook account ng show, patuloy pa rin itong nangunguna sa Sunday ratings ng TV5.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …