Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo

Paglabas ni Sarah sa TV5 bayad na endorsement

HINDI senyal ng paglipat sa TV5 ang litrato ni Sarah Geronimo sa Instagram ng Kapatid network kamakailan na ine-endorse ang forthcoming show na POPinoy.

Bayad na endorsement lang po ‘yon. Bahagi ng kontrata ni Sarah bilang endorser ng Talk & Text na major sponsor ng bagong show.

Ang mismong big boss ng Viva Entertainment Group of Companies na si Vic Del Rosario ang nagpahayag na walang tangka si Sarah na lumipat sa TV5 at wala rin namang attempt ang Kapatid Network na bilhin ang kontrata ni Sarah sa Viva.

Kung mapapanood man ng madla si Sarah sa TV5, ‘yon ay sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN na ipinalalabas din sa TV5.

Unfortunately naman, mula noong nagsimulang ipalabas din sa TV5 ang ASAP, bukod pa sa A2Z Channel 11, misteryosong ‘di na uma-apir sa  si Sarah.

Kamakailan ini-announce ng Viva na abala si Sarah sa paggawa ng bagong album at paghahanda sa isang virtual concert ngayong March. Malamang ay lumabas na uli sa ASAP si Sarah para i-promote ang concert n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …