Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Si Princess Superal, ang nagwagi sa ladies legs ng Pilipinas Golf Tournaments’ restart na ginanap sa Riviera sa Silang, Cavite.

Pilipinas Golf magbabalik sa Eagle Ridge

GENERAL TRIAS, CAVITE — Sa kabila ng pananatili ng bansa sa general community quarantine sa kautusan ng Malacañang, magbabalik ang Pilipinas Golf Tournaments Incorporated (PGTI) sa isang two-stage tourney para sa Philippine Golf Tour at Ladies PGT sa susunod na buwan sa Eagle Ridge Golf and Country Club sa General Trias, Cavite.

Ayon kay Colo Ventosa, general manager ng nag-organisang PGTI, binalangkas na nila ang two-stage tournament para pangunahan ang 2021 season matapos maging matagumpay ang kanilang restart sa gitna ng pandemya sa nakalipas na taon.

Gayon man, sinabi ni Ventosa na ukol sa umiiral na mga quarantine restriction at minimum health safety protocol na ipinapatupad ng pamahalaan, isasagawa pa rin ang torneo na ang pangunahing polisiya ay kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga player at kawani na kalahok sa isasagawang sports event.

Idinagdag ni Ventosa na pinili ng PGTI ang Eagle Ridge sa Cavite dahil ito ang tinuturing na pinakamalaking golfing facility sa bansa na may apat na championship course. Bukod dito, nagdesisyon din ang golf and country club na itanghal ang 9-12 Marso leg ng PGTI, na binansagang ICTSI Eagle Ridge Challenge at maging ang 23-26 Marso stop na pinangalanan ng ICTSI Eagle Ridge Championship.

Sa ngayon ay isinasaayos pareho ang Aoki at Norman layout ng Eagle Ridge para sa nalalapit na kampeonato sa golf.

Inulit ni Ventosa tulad ng dalawang torneo sa Riviera Golf Club sa Silang, Cavite na itinanghal sa isang bubble environment nitong nakaraang taon, tiniyak ng PGTI na mausunod ang mga health protocol sa pagsasagawa ng kambal na kompetisyon, na gaganapin makaraan ang tatlong buwang bakasyon.

“As much as we wanted to provide opportunities for our pros, we have to ensure that it will be safe and responsible to resume our tour,” punto nito.

Napanalunan nina Tony Lascuña at Ira Alido ang unang dalawang leg ng PGT restart sa Riviera habang sina Princess Superal at Pauline del Rosario ang nagwagi sa ladies legs.

(Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …