Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

AshMatt handa na kayang manuyo at magpatawad?

HINDI lang sa mga nasiphayong pag-ibig kailangan ang pagpapaubaya at pagpapatawad kundi pati na sa ibang klaseng relasyon. Halimbawa’y sa relasyon ng magulang at anak. Naglabas ang Viva TV ng interbyu kay Sarah Geronimo kamakailan, at ang buod nito ay tungkol sa pagiging fulfilled sa buhay ng Pop Royalty sa married life n’ya with Matteo Guidecelli.

Sana sa susunod na interbyu ng Viva TV kay Sarah ay ang itanong naman nila rito ay kung anong mga hakbang na ang nagawa at balak gawin nina Sarah at Matteo para sila naman ay magkaroon ng eksena ng pagpapaubaya at pagpapatawad kasama ang mga magulang ni Sarah.

Napanood na kaya ni Sarah ang pagpapatawad scenes nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa Paubaya music video? Parehong taga-Viva sina Sarah at Julia, ‘di ba?

Pahayag ni Sarah sa marriage n’ya with Matteo: ”The marriage itself is a blessing, an opportunity to, yun nga, spend the rest of your life with your loved one.

“’Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life.

“It’s rewarding na challenging.”

Paliwanag pa n’ya: ”Challenging kasi siyempre, sa situation ko po, parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting, ‘di ba? 

“Rewarding siya dahil ‘yun nga kasama mo ang mahal mo sa buhay, ‘tapos you have the freedom.

“You get to choose and decide for yourself, not just for yourself, pero ngayon, dahil may asawa ka na, for the both of you, parang you become one, as one na kayo.”  (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …