HINDI umayon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabae ang trabaho bilang Pangulo ng isang bansa.
Sagot ito ni Rabiya sa ilang online interview sa kanya ng Missosology sa YouTube na in-upload noong February 13, Sabado.
Magalang na pasakalye ni Rabiya sa mahaba n’yang sagot: ”I do respect the President, but I completely disagree with this thought.
“In our country, we already have two female leaders and by doing that, women are as capable as men in handling a nation.”
Ang tinutukoy niya ay sina Cory Aquino at Gloria Macapagal Arroyo.
Binanggit din ni Rabiya ang magandang ehemplo na ipinamalas ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern. Hinangaan ng maraming bansa ang pamumuno ni Ardern sa New Zealand sa gitna ng pandemya.
Sa limang milyong populasyon nito, 2,300 kaso ng Covid-19 lamang ang naitala at 25 lang ang nasawi nang magsimula ang pandemya isang taon na ang nakalilipas.
Actually, ipinahayag ni Pres. Duterte ang saloobin n’ya tungkol sa kung ano ang dapat na maging gender ng isang pangulo noong in-announce n’yang ‘di n’ya ineenganyo ang anak n’yang si Sarah Duterte na kumandidato sa pagkapangulo
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas