Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kit Thompson ininsulto sina Janice at Agot

PAREHO palang walang-takot sina . O baka pareho lang silang walang respeto sa kapwa nila artista?

‘Yan ang pakiramdam ng ilang showbiz followers sa ginawang “Jojowain o Totropahin” vlog ni Erich kamakailan na guest niya si Kit Thompson.

Walang-pakundangang sunod-sunod na binanggit ni Erich kay Kit ang mga pangalan nina Agot Isidro at Janice de Belen na obvious naman na parehong mas may edad kay Kit.

Ito namang si Kit sa halip na sumagot lang na jojowain o totropahin, nagsalita pang parang diring-diri kina Agot at Janice.

Reaksiyon ni Kit noong ipakita sa kanya ni Erich ang litrato ni Agot na 54 years old na: ”Grabe ka naman! Ganoon ka-tanda?!”

At nang ipakita naman ni Erich ang litrato ni Janice, 52, bulalas na naman ni Kit: ”Kung si Janice de Belen, 10 years ago, pwede pa.”

Pero kaya naman siguro, panay mas may edad kay Kit ang ipinakita ni Erich ay dahil sa pelikulang Belle Douleur, na unang ipinalabas sa Cinemalaya bilang entry ng lawyer-producer na si Jojo Alonso, nakipag-simulated sex si Kit ng dalawa o tatlong ulit sa isang character na 45 years old na at ginampanan ni Mylene Dizon (na, ayon sa Wikipedia, ay 44 years old na ngayon sa totoong buhay).

Ayon sa isang katoto namin sa panulat, malamang na mabawasan ang fans ni Kit.

May ilang showbiz followers na nagsasabing dahil sa mistulang panghihiya sa kapwa artista na ginawa ni Erich sa vlog n’ya, isang “starlet” uli ang tingin nila sa aktres kahit na ilang beses na itong nagbida at nag-prodyus ng sariling action movie noong 2018, ang We Will Not Die Tonight, na idinirehe ni Richard Somes. 

Habang isinusulat namin ito, wala pa kaming namo-monitor na reaksiyon nina Agot at Janice.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …