Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tawag ng Tanghalan contender naiyak nang makita si Vice

NALUHA ang It’s Showtime host na si Vice Ganda nang makita muli ang factory worker na si Herbie Pultam na una niyang nakilala sa I Can See Your Voice.

Si Pultam ang ama ng tatlo sa mga scholar ni Vice. Sumali ito sa Tawag ng Tanghalan para personal na pasalamatan si Vice sa pagsuporta sa pagpapa-aral ng kanyang mga anak.

“Bukod po sa gusto makasali rito at manalo, pinaka-number one po talagang sadya rito ay personal na makapagpasalamat sa inyo,” naluluhang nasabi ni Pultam pagkatapos n’yang umawit.

Ayon mismo kay Vice na hindi niya kinikilala ang kanyang mga iskolar para ‘di siya magkaroon ng emotional attachment. Gayunman, hind rin naiwasan ni Vice ang maluha sa tuwa lalo na nang malamang matataas pa rin ang grades ng mga anak ni Pultam.

Makalipas ang tatlong taon mula nang pagkikita nila sa I Can See Your Voice na nasabing gagawin niyang scholar ang mga anak ni Pultam na noo’y contestant din, nasa 3rd year college, 1st year college, at grade 7 na ang mga natutulungan ng komedyante.

Hindi man nakaabante sa Tawag ng Tanghalan, naisakatuparan naman ng contestant ang isa pa niyang pakay sa programa.

Kapuri-puri si Vice Ganda sa pamimigay ng scholarships sa mga nagdarahop. Sana ay marami pang napakayayamang showbiz idols ang tularan siya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …