Thursday , December 26 2024
dead gun police

ICTSI union leader itinumba ng tandem (4-anyos nene sugatan)

ISANG lider ng unyon ng mga manggagawa sa pantalan ang pinag­babaril, na kanyang ikinamatay, habang sugatan ang 4-anyos pamangking babae, sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi, 7 Pebrero.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonardo “Ka Esca” Escala, presidente ng unyon ng mga mangga­gawa  sa Manila port operator International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI).

Sa inisyal na ulat ng pulisya, si Escala, 59 anyos, kasama ang 4-anyos pamangking babae, ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek saka mabilis na tumakas sakay ng scooter dakong 7:20 pm nitong Linggo.

Nabatid na kabababa lang ng mga biktima sa kanilang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek.

Isang oras ang lumipas bago namatay si Escala matapos dalhin sa ospital. Ang kanyang pamangkin na 4-anyos ay tinamaan sa likod at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Nabatid sa pulisya na si Escala ay nakatatanggap na ng pagbabanta kaugnay ng kanyang posisyon bilang presidente ng union.

Sa pinagsamang pahayag nitong Lunes, 8 Pebrero, ng Nagkakaisang Manggagawa sa Pantalan Incorporated (NMPI)-ICTSI at National Federation of Labor Unions (NAFLU), hangad nila ang katarungan sa pinaslang na labor leader na si ‘Ka Esca.’

Anila, ‘karuwagan’ ang ginawang pama­maslang kay Ka Esca.

“Ang mga inutil at duwag na gumagamit ng dahas sa pamamagitan ng gatilyo ng baril ay tunay na mga salot sa lipunan – na ang intensiyon ay tuluyang patahimikin o kitilin ang tuloy-tuloy at prin­sipyadong pamumuno ni Ka Esca bilang lider-manggagawa sa loob at labas ng pantalan, bilang tagapagtanggol ng karapatan at kagalingan ng uring manggagawang anakpawis,” pahayag ng grupo.

Sa tala ng NMPI-ICTSI, si Escala ay nagsilbing pangulo ng unyon sa loob ng dalawang termino mula noong 2012.

Naging 2nd vice president din siya ng unyon sa loob ng apat na taon. Naging vice chairman ng Arya Progresibo, isang grupo na nakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa.

Ngayong taon bilang presidnte ng union, isinulong ni Escala ang mas episyenteng daloy ng trabaho sa ICTSI quality control operators at sa pamamagitan ng collective bargaining agreement (CBA) nadag­dagan ang mga benepisyo ng mga manggagawa sa pantalan.

Nakidalamhati ang ICTSI sa pamilya ni Escala at sa labor groups na NMPI-ICTSI at NAFLU.

“We have lost a member of our community, a friend, and a leader who, through decades as both employee and labor representative, was the key driver in the positive and productive collaboration between the company and our employees,” ani port magnate Enrique Razon, Jr.

Kasabay ng pag­kondena sa pagpaslang kay Escala, hiniling ng Nagkaisa Labor Coalition sa pamahalaan na hayaang makapasok ang high-level fact-finding mission ng International Labour Organization sa bansa.

“Nagngangalit kami sa walang katapusang karahasan at patuloy na kawalan ng kaparusahan laban sa mga gumagawa nito sa mga unyonista. Dapat nang wakasan ang mga pamamaslang na gaya nito,” ani labor lawyer Sonny Matula, chairperson ng Nagkaisa.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *