Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed Serrano, may pa-bakasyon grande sa Anak ng Macho Dancer

PAGKATAPOS ng premier showing online ng Anak ng Macho Dancer noong Sabado ng gabi (January 30) parang biglang nanahimik lahat ng tao na dati ay parang ‘di-magkandaugaga sa pagha-hype sa pelikula na may frontal nudity ang limang baguhang artista nito (na pawang mga lalaki, siyempre pa!).

Noong January 31, ipinamalita na agad ng producer ng pelikula na si Joed Serrano na 114,000 tickets na para sa premiere night online noong January 30 ang nabenta. Ang presyo ng bawat ticket ay P690, kaya sigurado na siyang kumita ang pelikula, pahayag n’ya sa katoto namin sa panulat na si Gorgy Rulla. 

Nagpaplano na nga si Joed, ayon sa report ni Gorgy sa PEP entertainment website, na i-blowout ang limang lead actors sa isang bakasyon grande sa Boracay.

Sa PEP report na ‘yon, binigyang diin ang pagkadesmaya at panlalait nina Joed at lead actor Sean de Guzman sa mga umano ay naka-pirate agad ng pelikula sa first screening pa lang nito.

May report pang lumabas na mas mura ang ticket sa screening ng pirated copies. May nabalitaan nga raw si Joed mismo na P100 lang ang tiket sa illegal screening.

Pero nakapagtataka rin na habang isinusulat namin ito, ni isang review ng pelikulang idinirehe ng premyadong si Joel Lamangan wala kaming namu-monitor. Wala bang legitimate critic na nakapanood nito at nagkaroon ng dahilan na sumulat ng review ng pelikula?

Pwedeng sabihin nilang maraming ibang memorable scenes sa pelikula bukod pa sa frontal nudity ng limang lead actors.

Pwede rin namang sabihin nila na ‘yung frontal nudity lang talaga ang memorable scene sa buong pelikula.

Pwede ring akusahan nila ang pelikula na “exploitative” dahil sa frontal nudity scene at iba pang eksena.

Pero wala, eh, mahiwagang katahimikan ang nananaig pagkatapos ng online premiere night ng Anak ng Macho Dancer.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …