Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FDA nagbabala sa pekeng anti-hypertension meds

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA)  ang publiko sa pagbili ng gamot para sa hypertension sa nadiskubreng pekeng gamot na kumakalat sa merkado na may dalang panganib sa kalusugan.

Sa FDA Advisory No.2021-0103-A , nagbabala ang FDA sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga pekeng Losartan Potassium (Angel-50) 50mg film coated tablet.

Sa pagsusuri ng FDA kasama ang Marketing Authorization Holder (MAH), Pharmakon Biotec Inc., ang nasabing produkto ay napatunayang peke.

Lahat ng healthcare professionals at publiko ay binabalaan sa pagkalat ng nasabing pekeng gamot sa merkado na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Pinaalalahanan ang publiko na bumili sa mga establi­simiyentong lisensiyado ng FDA.

Maging ang lahat ng establisimiyento ay binabalaang huwag magbenta ng produkto na nagtataglay ng mga katangian ng pekeng gamot.

Ang pag-aangkat, pag­bebenta at pamamahagi nito ay paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs.

Sino mang mapatunayan o mahuli na nagbebenta ng nasabing pekeng produkto ay mapaparusahan.

Hiniling sa lahat ng local government units (LGUs) at law enforcement agencies (LEAs) na tiyaking ang pekeng produkto ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …