Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. M, afford kaya ng GMA7?

ALAM n’yo bang magsi-74 years old na si Mr. M (Johnny Manahan) sa February 11?

Pero parang walang balak tumigil sa pagtatrabaho ang napaka-prestihiyosong direktor at starbuilder na biglang nawalan ng trabaho sa TV dahil hindi na ini-renew ng producer n’yang si Albee Benitez ang kontrata ng Sunday Noontime Live  sa TV5 dahil mababa naman daw ang rating ng show.

Katwiran naman ni Mr. M ay ang signal naman ng TV 5 ang mahina, pati na ang promo and publicity machine nito.

At napakagastos palang i-produce ng SNL. Siya mismo ang nagsabing P3-M per episode ang production budget ng show.

So, saan na magtatrabaho ngayon si Mr. M na ayaw nang bumalik sa ABS-CBN?

Parang ang makaka-afford lang sa undisclosed talent fee n’ya at disclosed production cost para sa isang musical-variety na gaya ng SNL ay ang GMA 7. Parang mismong ang TV5 ay hindi kaya ‘yon. Si Albee  ang nagpasuweldo sa lahat ng involved sa SNL. Hindi ang TV5 ng bilyonaryong si  Manny V. Pangilinan.

My lips are sealed,” pahayag ni Mr. M kamakailan kung may offer na sa kanya ang GMA7. Selyado raw ang bibig n’ya sa ngayon.

Afford nga ba ng GMA 7 si Mr. M?

Ano sa palagay n’yo?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …