Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric at Polo, sagana sa pagkain; Dina, nakaligtas sa pagiging kusinera

WALANG pangamba ang cast ng Magkaagaw nang nagbalik-taping sila last December sa Pampanga. Hindi naman sila nanibago after almost eight months silang natigil sa pagte-taping nang lumaganap ang Corona Virus dito sa Pilipinas.

Bago nag-taping proper ay nagkaroon ng refresher ang cast. Ang maganda ay sa loob ng 21 days, naka lock-in sila, walang uwian at focus lahat sa trabaho ng walang istorbo at aberya. Kaya madali sa kanila ang araw-araw na taping although may mga rest day sila.

Si Jeric ay kasama sa room si Polo Ravales at balita ko ay bugbog sila sa food na ipinadadala ng fiance ni Polo bukod sa pagiging gym instructor nila via online. Kaya sagana sila roon.

Samantala, ganoon din ang pagbabalik-taping ng cast ng Anak Ni Waray VS Anak ni Biday at excited sina Barbie Forteza at Kate Valdez nang mabalitaan nila ang resume ng taping. Siyempre, halos magka-edad sila kaya maganda ang naging bonding ng dalawa lalo na noong mag-lock-in.

Si Snooky naman ay may pangamba dahil nga sa pandemya although si Dina Bonnevie ay natuwa at makaliligtas na siya sa pagluluto sa bahay dahil nawalan sila ng kusinera. Kaya maganda rin ang experience nila sa lock-in taping.

Ang Magkaagaw at Anak Ni Waray VS Anak Ni Biday ay magbabalik ngayong Lunes, January 18 sa GMA.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …