Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Bangkay ng 3 miyembro ng LGBT community, 1 pa natagpuan sa Tagaytay (Ilang linggo nang nawawala)

NAAAGNAS na ang mga labi nang matagpuan sa isang bangin sa lungsod ng Tagaytay ang tatlong miyembro ng LGBT community na ilang linggo nang nawawala matapos dukutin ng mga armadong lalaki sa lungsod ng Bacoor, sa lalawigan ng Cavite noon pang Disyembre.

Nabatid na nagsasa­gawa ng routine main­tenance ang ilang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar nang maamoy nila ang masang­sang na amoy na nagturo sa kanila sa dalawang bangkay.

Kinilala ang dalawang labi na sina Lino Kinalenta, alyas Nicole; at Mark Ian Edrina, alyas Erica, kabi­lang sa tatlong LGBT member na nawawala.

Nang magbalik sa lugar ang mga awtoridad, dalawang bangkay pa ang nakita at natukoy ang isa na si alyas RR, kagawad ng Brgy. Zapote Uno.

Ayon sa kapatid ni alyas Erica na si Sherly Mae Generelao, noong 19 Disyembre pa nawawala ang kanyang kapatid matapos kunin ng mga nagpakilalang mga awto­ridad.

Walang maisip na dahilan ang pamilya ng tatlo upang dukutin ang mga biktima dahil wala raw silang mga kaaway at hindi sangkot sa ilegal na droga.

Nanawagan sila sa mga may nalalaman sa pang­yayari na makipagtulu­ngan sa mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

“Sana naman po kung mayroon pong naka-ano or naka-witness man lang po or naka-ano man lang po na ano, sana po maituro man lang po ‘yung mga gumawa nito kasi hindi naman po dapat ito mangyari sa ano namin kasi mabait na tao naman po ‘yun,” pakiusap ni Generelao.

Kabilang sa mga inaa­sa­han na makatutulong sa paglutas sa krimen ang ilang kabataan na kasa­mang kinuha ng mga suspek ngunit  pinalaya rin kinalaunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …