Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klea Pineda

Klea, nahirapan sa mga heavy scene

HINDI dapat palampasin ng viewers ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagbabalik ng hit GMA Afternoon Prime series na  Magkaagaw simula Lunes (January 18).

Ayon sa lead stars ng serye na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.

Kuwento ni Klea, ”Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay inilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari.”

Dagdag pa ni Jeric, ”Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan nyo. ‘Wag n’yong palampasin.”

Naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).

Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng Magkaagaw na mapapanood na simula January 18, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime. (JOE BARRAMEDA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …