Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P8.5-M shabu nasabat 2 tulak timbog sa PDEA (Sa Maguindanao)

DALAWANG hinahi­na­lang tulak ang naaresto at nakompiskahan ng tinatayang P8.5 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa lalawigan ng Maguindanao nitong Miyerkoles, 6 Enero.

Sa buy bust operation na ikinasa sa Brgy. Dalican, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, pasado 11:00 am, agad nadakip ang dalawang tulak matapos ibigay sa poseur buyer ang tinatayang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,700,000.

Ayon kay Agent Anthony Naive ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naganap ang transaksiyon sa kahabaan ng national highway.

Nakompiska din mula sa mga suspek na kinilalang sina Sabir Tahir Omar, at Inar Bulilo, ang isang motorsiklo, mga cellphone, marked money, at iba’t ibang mga ID.

Dagdag ni Naïve, isinailalim sa surveillance ang dalawa nang mahigit isang buwan bago ginawa ang pag-aresto.

Kasalukuyang naka­detine ang dalawang suspek sa PDEA detention cell sa lungsod ng Cotabato.

Samantala, sa isa pang operasyon na ikinasa ng magkasanib na puwersa ng PDEA, pulisya, at Philippine Marines, naka­takas ang isa pang drug dealer matapos maibigay ang isang kilong shabu sa poseur buyer sa harap ng isang pampublikong paa­ralan sa Brgy. Dalo­mangcob, sa bayan ng Sultan Kudarat.

Tinatayang nagkaka­halaga ng P6,8oo,ooo ang nasabat na droga.

Ani Naive, nakatunog ang suspek, na kinilala sa alyas na Saddam, na undercover agent ang kaniyang katransaksiyon kaya mabilis na tumakas matapos maibigay ang plastic bag na naglalaman ng shabu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …