Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, matapos maging kabit, magiging pantasya naman

ISANG matamis na role bilang Dulce ang gagampanan ni Kim Rodriguez sa nalalapit na GMA News TV fantasy romance series na  The Lost Recipe.

“Ako ang may hawak ng mahiwagang libro na nakasaad ang magic sa pagluluto nina Conchita at Consuelo. Siyempre, marami pa silang aabangan dahil paiba-iba (ang) character ko,” kuwento ni Kim.

Ang The Lost Recipe ang first regular show ni Kim na may element ng fantasy. Ibang-iba ito sa nakaarang roles ng aktres na karamihan ay kontrabida.

Naging challenging ito sa kanya dahil mas detalyado ang mga eksena at dahil fantasy, may special effects kaya kailangang ulitin ang takes.

“First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi usually ako ang nang-aaway at kabit sa past roles ko. Masaya kami sa shoot. Matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and kailangan mag-green screen. So, kailangan kung ano ka noong unang take dapat consistent ‘yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects.”

Ang The Lost Recipe ay pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. Iikot ang kuwento nito sa love, time travel, at culinary world. Malapit na itong mapanood sa GMA News TV.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …