Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TOP 2 Showbiz Developments sa Pinoy Showbiz 2020

HALOS patapos na ang 2020 kaya pwede na nating simulan ang pagbabalik-tanaw sa taon ng pandemya at kwarantina na nakaapekto sa Pinoy Showbiz at sa iba pang larangan ng buhay.

Para sa amin, ito ang unang dalawang pinaka-nadama ng mga alagad ng libangan at mga tagasubaybay nila ngayong 2020.

1.    Man of the Year si Carlo Lopez Katigbak

Sa kalmado at napakadisenteng pamumuno ni Katigbak, napangibabawan ng ABS-CBN ang pagtanggal ng prangkisa nila kahit na kinailangang magbawas ang network ng empleado, stars and taLents, at programa. 

Ang daming umasang bukas ang kamalayan ng mga congressman at congresswoman sa kahalagahan ng isang beteranong media establishment sa buhay ng bansa. Pero binigo sila ng 71 miyembro ng House of Representatives na ‘di pumayag na i-renew ang franchise ng ABS-CBN. Tatlo sa kanila ang pinangunahan na lubusang maparalisa ang network: ipinasara ang lahat ng broadcast outlets na may kinalaman sa Kapamilya Network.

May pandemya na ng Covid at kwarantina sa buong bansa noong maganap ang disenfranchisement. Pinakiusapan ang Kongreso na palitan ang pasya nila para ‘di mawalan ng trabaho ang marami sa 11,000 empleado ng ABS-CBN sa buong bansa. Nagbingi-bingihan ang Lower House. 

Mayo noong tanggalan ng franchise ang ABS-CBN. Tumalima agad ang management para makapagpatuloy ang pagbo-broadcast nito sa lahat ng broadcast outlets na ‘di-sakop ng government franchise. Nagtuloy-tuloy ang buhay ng Kapamilya Network sa digital platforms at online streaming. Halos lahat ‘yon ay libreng natutunghayan ng madla. Ang Ilan sa mga ito ay ang ANC, iWant (na sa paglaon ay nag-merge sa TFC), Youtube channel, at Facebook page ng ABS-CBN. 

Sa paglaon, nakipag-tie up sa free TV network na ZOE 11 ang Kapamilya Network at isinilang ang A2Z free TV. 

Siyempre pa, mas makabubuti para sa lahat na bigyan na uli ng franchise ang network. Pero habang wala pa, mapayapa pa ring pinangungunahan ni Katigbak ang Kapamilya Network. ‘Di pa rin nagbabago ang personalidad n’yang hinangaan ng madla noong mapanlibak at mapang-akusang congressional hearings sa franchise renewal, pero mukhang biglang nagkaedad ang hitsura n’ya. Rati ay ‘di-halatang 50 years old na siya pero ngayon ay parang halata na. 

Gayunman, siya pa rin ang Man of the Year ng Pinoy Showbiz 2020.

2. Ini-revive ng Brightlight Productions ni Albee Benitez ang kasiglahan ng TV5

Ilang taon na ring parang limot na ng madla ang TV5 bilang entertainment network, pero noong tanggapin nito bilang pangunahing blocktimer ang Brightlight Productions, lumutang uli ng masiglang-masigla sa kamalayan ng publiko ang Kapatid Network

Sa pamamagitan ng mga non-exclusive contract, nakuha ng Brightlight ang marami sa mga big star ng ABS-CBN para pangunahan ang ilang entertainment shows na ngayon ay mabunying itinatanghal  sa TV5. Kabilang dito ay ang musical variety na Sunday Noontime Live na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Maja Salvador, sa direksiyon ni Johnny Manahan, na iniwan ang ASAP Ko ‘To na siya ang pioneer director.  Ang Brightlight ay pinamumunuan ng dating Negros Occidental Congressman na si Benitez. Pamoso at influential noong panahon ng mga Marcos ang magulang n’yang sina Jolly Benitez at Betty BantugBenitez. Naka-tatlong termino si Albee noon bilang congressman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …