Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Dinky Doo, mambubulabog sa telebisyon

SA kabila ng pagiging tengga sa bahay at sa buhay ng karamihan sa panahon ng pandemya, may nga taong hindi hinayaang masayang ang galaw ng kanilang buhay sa bawat araw.

At para kay Direk Dinky Doo, may dahilan ang muli nilang pagkikita ng kanyang kaibigang negosyanteng si Tony Tan. Hindi para lang magkakuwentuhan at habulin ang mga lumampas na panahon.

“Kuwentuhan na nauwi sa usapan para makabuo ng ideang pwedeng isalin at gawing programa sa telebisyon. Nakaisip kami ng konseptong ang family values ang iikutan. But at the same time, may mensaheng ibabahagi o ii-impart sa mga manonood dahil makare-relate rin ang sambayanan.”

Mabilis makaisip ng konsepto si Direk Dinky. Kaya bago matapos ang taon, bilang pang-good luck na rin, magsisimula nang mag-taping ang mga pinili niyang magiging bahagi ng Pamilya Labulabo na artista siya at direktor din.

“Iikot siya sa istorya ng isang pamilya. Naka-sentro sa padre de pamilya na may tatlong anak na pawang mga panganay sa iba-ibang mga ina. Na may kanya-kanyang personalidad. May matalino, may trendy at fashionista, mayroon ding praktikal.

“Sa loob ng tahanan, maraming pangyayaring magpapakita ng kaguluhan, sigalot at iba pang problemang bibigyan ng solusyon o lunas sa bawat episode.”

Ang goal ng negosyanteng si Sir Tony ay maibahagi sa pamamagitan ng palabas ang mga bagay na ramdam din nating nagaganap sa ating kapaligiran na konektado sa mga buhay natin.

Kabilang na sa mga napili nina Direk at Sir Tony na mapabilang sa nasabing sitcom ay sina Alynna Velasquez, Garie Concepcion, Kara Honasan, Bong Alvarez, Irene Solevilla, John Arcenas, Dagul, at JKhriez at marami pang sasakay sa iba pang mga karakter.

Ipinagpapasalamat ni Direk Dinky ang pagdating ng mga pagkakataong marami pa rin siyang mga taong matulungan sa pagsisimula niya ng bagong proyekto.

“Alam natin ang hindi kadaliang paraan ng pagtatrabaho sa kasalukuyan. Na kailangang sumailalim sa health protocols lalo na kung lalabas tayo para mag-taping. Naihanda natin ang lahat ng kailangan for that. At sa kooperasyon din ng lahat, eh alam mong magiging maayos naman ang takbo ng lahat.”

Tutok man si Sir Tony sa sari-sari niyang mga negosyo, pero sa muli nilang pagkikita ng kanyang kaibigan, alam niyang magiging isang instrumento siya para makapagbahagi ng isa na namang naiibang programang hindi lang basta makapagpapasaya sa mga manonood kundi magbubukas, hindi lang sa mga mata kundi sa kaisipan din ng lahat.

Ano ba ang gagampanan ng padre de pamilyang si Labrador “Labs” Ulabo sa kanyang tatlong dilag na sina Lucy, Vissy, at Mindy? At sa sari-saring pangyayaring kanilang kakaharapin.

Paano ang pagkakagulo? Ang paglalabo-labo? Riot!

Sabi rin ni Direk Dinky, sangkaterbang celebrities ang maglalabas-masok sa sitcom sa mga hindi aasahang roles na gagawin nila.

Let’s see! Handang-handa na para sumigaw ng Yebahdabadoo si Direk Dinky sa kanyang produksiyon!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …