Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen Adarna, never na ikinasal kay John Lloyd (at posibleng ‘di magpakasal kahit kanino)

NEVER palang ikinasal sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz at ‘yon siguro ang dahilan kung bakit parang ang dali-dali n’yang nakipaghiwakay kay John Lloyd Cruz kahit na may isa na silang anak.

Nagdaos ang starlet from Cebu kamakailan ng live session sa Instagram niya na nang-engganyong magtanong sa kanya ang mga tagasubaybay  tungkol sa kahit anumang paksa sa buhay n’ya.

May nagtanong sa kanya tungkol sa paano ang buhay may-asawa.

Walang kagatol-gatol na sagot ng inactive actress: “I get a lot of questions about marriage or finding the right one. Guys, please do not ask me this because I’m not experienced. I haven’t been married, and I haven’t found the one yet. Please.”

Talaga palang hinayaan lang n’ya ang sarili n’yang magdalantao na ang pamosong aktor ang ama!

Pero pro-live-in siya. Sagot n’ya sa tanong ng netizen na: “What can you say about couples living together without marriage?”

Tugon ni Ellen sa magkakahalong Ingles, Filipino, at Cebuano: “Ako, ‘Day, pro ako ‘Day, which is me and my siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so di mi magpatakag minyo kung kahibaw mi sa unsay among gusto or di.”

[“Ako ‘Day, pro ko ‘Day, which is me and siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so hindi kami mag-aasawa na lamang ng ganoon para malaman namin kung ano ang gusto namin o hindi.”]

Dagdag pa niya, “Ug mao gyud tong fears sa akong papa nga magpataka mig minyo, so iyang gipatilaw, gipasabot mi niya, nga unsa man ning idea, on what it’s like to live with someone. So, ako, I’m pro live-in.”

[“Yun kasi ang kinakatakutan ng papa namin baka basta-basta na lamang kami mag-aasawa, kaya pinatikim niya, pinaintindi niya sa amin, kung ano ba itong ganitong idea, on what it’s like to live with someone, so ako I’m pro live-in.”]

Ito kasi ang itinuro ng kanyang mga magulang noong nasa legal age na silang magkakapatid. Madaling-madali nga maghiwalay ang mga nagli-live-in. Hindi na kailangang dumulog pa sa hukuman at gumastos sa abogado para ipa-annul ang kasal nila sa simbahan man o sa korte (civil wedding).

Sa totoo lang, marami ng magulang ang pumapayag nang makipag-live-in muna ang mga anak nila kaysa magpadalos-dalos na magpakasal, lalo na kung ang anak nilang babae ay may sariling career naman at may pasya rin na ‘di muna mag-aanak. O ‘di na muna dadagdagan ang nasa sinapupunan ng anak nilang babae. Ang ‘di naiplanong pagkakaroon ng anak ang nag-uudyok sa mga magulang ng mga anak na babae na pakasalan ang anak nila.

Ang mga magulang na may kaya ay ‘di pinipilit na mapakasalan ang anak nilang babae na nagdadalantao na at ituloy na lang ang relasyon sa pagli-live-in dahil kaya namang buhayin ng pamilya ang apo nila sakaling maghiwalay ang nagli-live in. Ganoon siguro ang katwiran ng mga negosyanteng magulang ni Ellen kaya hinayaan nila ito na makipag-live-in at magkaanak kay John Lloyd.

Nagko-co-parent sila ngayon sa anak nilang si Elias Modesto at parang wala namang angal si Ellen tungkol sa financial support n’ya sa anak nila. Mas maraming araw sa isang linggo na nasa poder ni Ellen and two-year-old son nila.

Parang wala pa namang napupusuan si Ellen na maka-live-in sa ngayon. Mas mapili na kasi siya ngayon. Ayaw na n’ya sa mga “immature”–bagama’t hindi naman n’ya binanggit na si John Lloyd ang pinatutungkulan n’ya.

Pahayag n’ya tungkol sa mga immature na partner: “Nadala na ako sa ganyan, ‘Day. Gusto ko talaga ng mas mature na lalaki, someone who is wiser, someone who I can learn from, dahil immature kasi ako tapos papartneran pa ako ng immature, huwag na ‘Day.”

Masaya si Ellen sa kanyang buhay ngayon kasama ang anak na si Elias.

Kamakailan, nag-mother-and-son vacation ang dalawa sa Amanpulo, Palawan.

Sa totoo lang, ang tingin namin kay Ellen ay ‘yung tipong ‘di na magpapakasal. Ewan lang kung papayag siyang magkaanak pa sa iba. Pero ‘di naman bago sa showbiz ang mga artista na may anak na iba’t iba ang ang ama. Ang buhay na ebidensiya ay si Karla Estrada na maayos naman na nabubuhay ang mga anak n’yang may iba’t ibang ama, at ang isa sa mga anak n’ya ay si Daniel Padilla.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …