SI Cong. Alfred Vargas ang bida at producer sa pelikulang Tagpuan, isa sa official entry sa darating na MMFF 2020. Dalawa ang leading ladies niya rito, sina Iza Calzado at Shaina Magdayao. Mula ito sa direksiyon ni Mac Alejandre at sa panulat ni Ricky Lee.
Ayon sa interview ni Cong. Alfred sa Pep.ph, isa ang Tagpuan sa pinakapaborito niyang proyekto na ginawa dahil sa experience niya rito bilang aktor at producer.
Aniya pa, “Tapos, ang sarap mag-shoot sa Hong Kong, at saka sa New York for the first time. Mahirap siya, in the sense na hindi namin alam what to expect, tapos biglang magkaka-rally dito, biglang magkaka-rally doon.
“Pero ang ganda ng chemistry namin eh, nina Direk Mac, nina Shaina, Iza. Siguro, from it, dumali iyong shooting.Tapos, pag ano, ‘pag napapadaan iyong mga tao… sa Hong Kong at saka sa New York, naaano sila.
“Somehow, mapi-feel mo, bilib sila sa Filipino.I’ve never experienced Hong Kong and New York in that way. Kasi, usually, mga tourist experience tayo.Pero noong mismong na-immerse ako, sa film, sa character, at saka sa New York, at sa Hong Kong, hinding-hindi ko makalilimutan ito. It’s a dream-come-true to have shot a film in New York and in Hong Kong.”
Bilang bida at producer ng Tagpuan, hindi nag-alangan si Cong. Alfred.
“When I first read the script..una, may bias na. Kasi, Ricky Lee. Alam mo, suwerte ako. Kasi nakatrabaho ko the likes of Eddie Romero, Mario O’Hara, ‘di ba?
“Tapos, many other directors, and now, Direk Mac Alejandre. ‘Tapos, Ricky Lee pa iyong script. Tapos, when I read the script, naiyak ako. Talagang tumagos sa ano (puso) ko. And medyo emotional ako when I was reading the script. And I just told myself, ‘I have to do this project whatever happens. Kasi, iba ito, eh. Hindi na ito iyong usual ko na telefantasya. Hindi rin ito ‘yung usual na roles ko. It is a very, very adult take on love. On philosophy, life, and passion. And pain. Actually, napakalalim… and napakasakit ng karakter, and napakahirap ng role. And that is what compelled me talaga. Sabi ko sa sarili ko, ‘I really wanna do this project.’”
First time ni Cong. Alfred na makatrabaho si Shaina. At natutuwa siya na nangyaring ito dahil gusto niya talagang makatrabaho ang dalaga. At puring-puri niya ang akting na ipinamalas ng nakababatang kapatid ni Vina Morales sa kanilang pelikula.
“Si Shaina, medyo nakagugulat ‘yung performance niya rito. I was mesmerized by her performance. Kahit mismong take na, magkaharap kami… kahit ako, nagugulat pa ako, eh. Parang… ‘Wow! Ibang Shaina itong nakikita ko.’And she gave such a mesmerizing performance rito. And napaka-professional, never na-late. Walang kyeme-kyeme. Never nag-complain. Ang sarap niyang makatrabaho, and I hope makatrabaho ko pa siya sa ibang projects.”
MA at PA
ni Rommel Placente