ISANG brand new house ang handog ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa. Ang Bagong Bahay 2021, Pag-asa at Pagbangon, ay isang online promo na bukas sa lahat ng mga naapektuhan nang husto ng Covid-19 pandemic at ng mga nagdaang kalamidad.
Kailangan lang ibahagi ng mga gustong sumali kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na dulot ng Covid at ng mga kalamidad, pati na rin kung paano sila unti-unting bumabangon upang itaguyod muli ang kanilang buhay.
Makikita sa official Facebook page ng Unang Hirit ang link kung saan maaaring ipadala ng viewers ang kanilang entry kasama ang kanilang contact details.
Sa January 8, 2021, ia-announce ng programa kung sino ang mananalo ng bagong bahay. Bukod sa bahay, mayroon ding “Gift Me Something” na regalo ang programa na makatatanggap ang winners ng GMA Affordabox at P5,000 cash. Kailangan lang ipadala ng viewers ang picture ng regalong inire-request ng UH host kasama ang contact details ng sumasaling viewer.
May link din sa official UH Facebook page na pwedeng ipadala ang entry. Bisitahin lang ang https://www.facebook.com/Unang.Hirit/.
Tuloy-tuloy ang blessing na natatanggap ng tinaguriang “Pambansang Morning Show.” Kamakailan lang, pumalo na sa 3 million ang followers ng Unang Hirit sa Facebook, halos doble sa bilang noong nagsimula ang taong 2020. Congrats, UH!
COOL JOE!
ni Joe Barrameda