Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, all praises sa mala-bakasyong taping ng Babawiin Ko Ang Lahat

SUMABAK na sa month-long lock-in taping ang cast ng upcoming Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat. Kasama rito sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, Pauline Mendoza, Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, at Liezel Lopez.

May pasilip naman ang production team sa kanilang lock-in taping sa Batangas na mapapansin ang mahigpit na pagsunod ng lahat sa safety protocols.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng batikang aktor na si John sa pag-aalaga ng GMA Network sa lahat ng cast and crew na kabilang sa lock-in taping. “Just wanna thank and praise GMA for putting us in a very comfortable environment for our one-month lock-in. Specially to our staff of ‘BABAWIIN KO ANG LAHAT’ iba kayo guys.” 

Dagdag pa niya, “Kudos to you guys. ‘Di po kami tinipid. Importante po sa amin ang comfort at ‘yun po ang binigay n’yo. Salamat nagtatrabaho ka pero parang nasa bakasyon ka.” 

Kapansin-pansin naman ang agarang closeness ng cast members sa ipinost na photo ni Carmina sa Instagram na pinasalamatan niya ang co-star na si Kristoffer sa inihandang dinner, “My Babawiin Ko Ang Lahat family. Thank you @kristoffermartin_ for the yummy dinner. Ang saya! Lock-in, Day 5.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …