Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, nagpalipad ng helicopter para maghatid ng tulong sa mga taga-Catanduanes

PATULOY ang ginagawang serbisyo publiko ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa mga kababayan natin sa Catanduanes na nasalanta ng bagyong Rolly.

Noong Lunes (November 16) at Martes (November 17), ipinasilip ni Willie ang kanyang ginawang relief efforts para sa mga residente ng Catanduanes.

Ayon kay Willie, ito ang kanyang tugon matapos mapanood ang panawagan ng isang lola para makatanggap ng ayuda.

Ani Willie, “Si nanay napanood ko sa ‘24 Oras.’ Sabi ko hindi naman  puwedeng matutulog lang ako ng may makikiusap na tulungan kayo.”

Mismong si Willie ang nagpalipad ng kanyang helicopter nang siya ay bumiyahe patungong Catanduanes noong November 8 kasama ang dalawa pang helicopters na dala ang kanyang mga donasyon tulad ng mga jacket, gamot, banig, at kumot.

Bukod pa sa mga ito, nagpaabot din siya ng financial assistance na nagkakahalaga ng P5-M.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …