Sunday , November 17 2024

Dating member ng K-pop na The Boyz, bida na sa isang BL movie

NOONG 2012 pa pala nagsimulang magkaroon ng BL (Boys Love) films at drama series sa South Korea. Pero parang hindi na pa-publicise ang mga ‘yon dahil marahil sa konserbatismo ng mamamayan ng South Korea at dahil na rin marahil sa hindi sikat ang mga artistang gumaganap.

Pero ngayong 2020, biglang may ipina-publicize sa mga K-pop websites na dalawang BL drama dahil mga dating miyembro ng K-pop boybands ang mga pangunahing nagsisiganap.

Ang isa sa mga na-monitor namin kamakailan ay ang upcoming BL series na Color Rush, na ang isa sa mga bida ay si Hur Hyun Jun, na kilala bilang si Hwall, former member ng K-Pop group na The Boyz.

Nagkaroon ng diperensiya sa kanyang ankle (bukong-bukong) si Hwall at kahit na noong bumalik na siya sa grupo, maraming commitments ang di n’ya nasasalihan dahil sa iskedyul n’ya ng pagpapa-therapy, kaya sa paglaon ay nagpasya siyang humiwalay na sa banda.

May mga umasang sa ‘di gaanong strenuous na pagmomodelo ang papasukin n’ya, pero kamakailan nga ay siya mismo ang nag-announce na kasali siya sa isang drama series na early next year iri-release. ‘Di n’ya binigyang-diin na BL ang proyekto n’yang Color Rush, na ang katambal n’ya ay si Yoo Joon. 

Lahad n’ya sa kanyang Instagram“This is Hur Hyun Jun, who will be playing the character, Yoo Han, in Color Rush. Please show your love and support for my first drama. 

“I am always doing my best to become a multi-talented person who can shine in all fields. As always, thank you and love you to my fans.” 

Ayon sa website na Koreanboo.com, ang serye ay nagsisimula pa lang kunan ngayong Nobyembre. Tungkol sa isang lalaki (na ginagampanan ni Yoo Joon) na may kapansanang color blindness. Pero nang makilaka  ang character na ginagampanan ni Hur Hyun Jun, biglang dumagsa ang mga kulay sa buhay n’ya.

Positibo naman ang mga reaksiyon ng fans sa pagganap n’ya sa isang BL series, ayon sa mga South Korean website na nag-post sa mga Instagram nila ng pagsuporta kay Hur Hyun Jun.

Color Rush is a collaboration between online novels and comics publisher StoryWiz, which is in charge of planning and production, and Conversions TV, which has produced several hit web drama series including Love in Memory in 2013.

‘Yung isa pang na-monitor namin na kasalukuyang na ring kinukunan na BL series at nagtatampok din sa mga dating kasapi sa K-pop boybands ay ang Wish You: Your Melody is my Heart.

Sina Kang Insoo at Lee Sang ng mga bandang MyName at Imfact ang mga bida sa Wish You.

Wish You is a story of singer-songwriter Kang Insoo and keyboardist Yoon Sang-ie struggling to achieve their music dream.

Ayon sa Top Daily (Korea), ang Wish You ay co-production ng Moving Pictures Company at Emotion Studio. Giit pa ng pahayagan: “It is the first music BL emotional touch romance in Korea that melts musical sensibility into the genre of BL. 

“It will be released simultaneously in more than 200 countries around the world through web dramas and movies through the idol romance app, VIKI, and Taiwan Line TV.”

Dahil sa pagbibida ng ex- o current member ng K-pop boybands, mukhang sisikat din sa Korea ang mga kuwentong BL, gaya ng pagiging sikat dito sa Pilipinas ng mga ganoong istorya ng pag-iibigan ng mga lalaki sa kapwa lalaki.

Sinasabing sa Japan unang nauso ang mga BL, sumunod ang Thailand, Taiwan, Pilipinas, at ngayon ay sa South Korea na rin.

Sa mga gustong nakapanood ng BL na gawa sa South Korea, i-Google n’yo lang ang BL South Korea. May BL din mula sa nasabing bansa na ipinapalabas sa Netflix.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *