Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tagisan ng Galing ng Net25, nakalulula ang papremyo

TUMATAGINTING na P2-M ang papremyong mapapanalunan ng tatanghaling grand champion sa reality show na Tagisan ng Galing ng Net 25 na prodyus ng Eagle Broadcasting Corporation. Kaya hindi nakapagtatakang isa ito sa pinagkakaguluhan at mainit na pinag-uusapan ngayon.

Imagine nga naman, milyon agad ang papremyo kapag kayo ang nagwagi sa sayaw at pagkanta. Hindi lang ‘yan, P1-M din ang makukuha ng 1st runner-up at P500,000 naman ang 2nd runner-up. Ang bongga ‘di ba?! Saan ka pa?!

Kaya naman kahit ang mga judge ng Tagisan ng Galing ay excited sa reality show na ito tulad nina Joy Cancio at Mia Pangyarihan sa Sayawan contest.

Parehong choreographer ng Sexbomb at Focus E sina Joy at Mia at ipinagmamalaki nila ang show na ito. Hindi lang dahil sa malaki ang ibinibigay nilang papremyo kundi tunay na malapit sa kanila ang pagsasayaw. Idagdag pa ang sobrang warm ng mga katrabaho sa Net 25.

Ani Joy nang makatsikahan namin ito sa launching ng kauna-unahang romantic drama series na Ang Daigdig Ko’y Ikaw na pagbibidahan nina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann na ginanap sa INC Museum“Ang sarap-sarap katrabaho ng mga Kapatid (sa Iglesia) kasi madali silang kausap, sobrang pampered kaming lahat pati mga contestant. Madali rin ang audition. At nakatutuwa kasi ang dami-daming sumasali, word of mouth na rin kasi itong ‘Tagisan ng Galing.’”

Halong amateurs at professionals ang sumasali sa tagisan ng sayaw kaya aminado ang dalawa na hirap sila sa pamimili.

“’Yung iba napanood ko na before na sumali sa ibang dance contest kaya familiar faces sila sa amin,” susog naman ni Mia.

Kasama nina Joy at Mia sa mga hurado sina Wowie de Guzman na dating miyembro ng Universal Motion Dancers at si Joshua Zamora ng Maneuvers.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …