Kinalap ni Tracy Cabrera
NAGPAPABALIK-BALIK sa higanteng canvas na nakalatag sa sahig ng ballroom ng luxury Dubai hotel, layunin ng British artist na si Sacha Jafri na masungkit ang bagong Guinness World Records para sa pinakamalaking art canvas at makalikom ng US$30 milyon para sa health at education initiatives na nakalaan sa mga kabataan mula sa mahihirap na bahagi ng daigdig.
Nakikinig ang 44- anyos contemporary painter sa pag-awit ng isang dalagita habang kinokompleto niya ang kakaiba niyang obra maestro na may sukat na halos 2,000 metro kuwadrado (20,000 square feet), bago ito paghati-hatiin sa 60 likha ng sining.
Umawit ang dalagita bilang inspirasyon para kay Jafri, na binansagan ang kanyang obra na ‘Journey of Humanity’ para sa paglalarawan nito sa mundo at ang sangkatauhan. Isusubasta ang mga bahagi nito sa Pebrero sa susunod na taon.
“They will own a piece of the largest painting ever created, but more than that they’ll own a piece of history and, ultimately, humanity,” wika ni Jafri sa panayam ng Agence France-Presse (AFP).
Sa loob ng pitong buwan at pagpinta ng 18 hanggang 20 oras kada araw, nalikha ni Jafri ang kanyang debuho sa 300 patong ng pintura, gamit ang 1,400 galon (mahigit 5,000 litro) at aabot sa 1,000 brush.
“It’s been a big journey,” aniya.
“It depicts the soul of the Earth, nature, humanity itself, the love and nurture of the mother, the guidance and protection of the father as they guide their child through life and enable them to feel safe, loved and brave, so they can grow their wings, make their dreams come true and take them into the solar system,” dagdag ni Jafri.
Ayon sa debuhista, nakatulong ang coronavirus para ma-focus niya ang kanyang pagpupursigi tungo sa pakikipag-ugnayan sa tao upang makontra ang impact ng sakit sa mga kabataan.
Nagsumite ng kanilang paintings ang mga kabataan mula sa 140 bansa para mapabilang sa nilikha ni Jafri na mayroong walong ‘portal.’
“I paste those into the circular portals… I want to take us to a better world through the hearts, minds and souls of our children,” ani Jafri.
Iniliarawan ng mga debuho ng mga bata ang kanilang paglalakbay, ang karamihan ipinakita ang isang bolang may mga spike na kumakatawan sa sakit.
“Imagine what… people can do if we actually stopped all the nonsense and realized one world, one soul, one planet,” punto ni Jafri.