Monday , November 18 2024

Buntot ng balyena sumagip sa tren

Kinalap ni Tracy Cabrera                      

ISANG runaway metro train sa Holland ang nasagip sa kapahamakan makaraang bumangga ito sa isang stop barrier ngunit humantong sa higanteng eskultura ng buntot ng balyena para mapigilang lumaglag sa 10 metro ng tubig sa kanal — napatigil ang harapang bagon ng tren na nakabitin sa hangin habang nakatuntong sa buntot ng balyena.

Walang pinsala o anomang sugat ang driver ng tren, na walang nakasakay na pasahero, sa naganap na aksidente makalipas ang hatinggabi sa distrito ng Spijkenisse sa port city ng Rotterdam.

Nakatutuwang malaman na ang eskutura ay pinangalanang ‘Saved by the Whale’s Tail’ kaya para bang naging realidad na nasagip ang tren sanhi ng dambuhalang buntot.

“This is such a weird scenario,” wika ni Carly Gorter ng Rijnmond regional safety authority sa panayam ng Agence France-Presse (AFP).

“The metro went off the rails and it landed on a monument called Saved by the Whale’s Tail. So that literally happened… because of the whale’s tail the driver actually was saved, it’s incredible,” dagdag ni Gorter.

Dumaan sa interogasyon ang train driver ngunit hindi agad napagalaman ang dahilan ng aksidente.

“The driver is going to the police station to ask him about his story. So this is normal procedure for these kind of accidents,” punto ni Gorter.

Ipinatayo ang eskultura sa parke sa ilalim ng pinataas na metro. Ayon sa arkitektong nagdisenyo rito na si Maarten Struijs, nanggilalas siya na nakaya ng eskultura ang bigat ng tren — at masuwerte ang driver na hindi bumangga ang tren sa kabilang bahagi ng buntot.

“If this tail was not so strong, not so low, then the driver of the metro train would have jumped 10 metres down and then I don’t think he would have survived,” ani Struijs sa panayam din ng AFP.

“If he had bumped on the other tail then I think it would have been a different accident,” sabi pa ng arkitekto kasabay ng paglahad na hindi umano  ipinatayo ang buntot ng balyena bilang

safety feature.

“It was not made to save the metro, because it’s more for the neighbourhood and the people wanted to have something for themselves. So we made these two tails of the whale… for them, as a monument,” paglilinaw nito.

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *