Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quarrying ops ng Mayon suspendido (Prov’l gov’t, 12 operators sinisi sa baha, lahar at malalaking bato)

IPINATIGIL ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng quarrying operations sa paligid ng bulkang Mayon halos dalawang oras matapos siyang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ito.

Nagsagawa ng aerial inspection kahapon si Pangulong Duterte kasama si Sen. Christopher “Bong” Go sa Catanduanes at Albay upang makita ang lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Rolly sa dalawang lalawigan sa Bicol Region.

Sa kanyang pagbisita sa Guinobatan, Albay, nagsumbong ang mga residente kay Pangulong Duterte hinggil sa quarrying activities sa kanilang lugar na itinurong dahilan ng mataas na pagbaha sa kanilang mga pamayanan na ikinamatay ng apat katao.

Sinabi ni Cimatu, 12 quarry operators ang inisyal na natuklasan nilang responsable sa pagragasa ng malalaking bato kasama ng baha at lahar sa mga komunidad sa paanan ng bulkang Mayon.

Paliwanag ni Cimatu, ang provincial government umano ang nagbigay ng permit sa quarrying at dahil sa nangyaring trahedya at bilang paghahanda sa mga susunod pang bagyo ay nagpasya siyang suspendihin ang lahat ng quarrying sa paligid ng bulkan.

“It is your decision,” matipid na tugon ni Pangulong Duterte sa pahayag ni Cimatu. (ROSE NOVENARIO)

CONCERNED
AGENCIES
PINAKILOS
NG PALASYO

KASUNOD ng aerial inspection na ginawa nina Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senator Christopher “Bong” Go, agad na hinimok ng senador ang concerned agencies na magdoble kayod para mas mabilis na makabalik sa normal na pamumuhay ang mga hinagupit ng supertyphoon Rolly sa Bicol region partikular sa Catanduanes at Albay.

Sa interview, sinabi ni Go na round the clock na naka-monitor si Pangulong Duterte sa mga kaganapan hinggil sa bagyong Rolly kahit nasa Mindanao ang pangulo.

Ayon kay Go, tiniyak ni Pangulong Duterte na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay agarang tulong sa mga lugar na naapektohan ng bagyo.

Ipinatawag umano ng pangulo ang mga concerned agencies para pakilusin nang mas mabilis para tiyakin na agad mahatiran ng tulong ang mga komunidad at tulungan makabangon ang ang critical areas.

Pinamadali rin ng pangulo ang pagbabalik ng supply ng koryente sa Department of Energy, mabilis na restorasyon ng komunikasyon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil importante ang komunikasyon sa mga panahon ng kalamidad.

Maging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay pinakilos nang mabilisan para sa clearing  operation at repair ng mga nasirang daan at iba pang impraestruktura habang pinatutukan din sa Department of Transportation (DOTr) ang mga pinsala sa mga airport at seaports.

Mabilis na paghahatid ng food packs, non-food items, financial assistance, at pamamahagi ng tents ang pinatutukan sa Department of Social Work and Development (DSWD).

Samantala, pinaalalahanan ni Go ang local government units (LGUs) na tiyaking masusunod pa rin ang health protocols  dahil sa pinangangambahang CoVid-19 lalo pa’t nabalitaan niyang dikit-dikit ang mga evacuees.

Kaugnay nito, ipinama-maximize ni Go ang paggamit sa mga eskuwelahan para maging evacuation center para matiyak na maiiwasan ang posibleng pagkakahawa-hawa ng CoVid-19 at iba pang karamdaman. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …