Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May career pa rin sa Texas USA after showbiz: Criselda Volks well watched sa kanyang vlog sa YouTube at masaya sa piling ng babaeng partner

LATE 90s nang makilala ang pangalang Criselda Volks sa sexy movies, and in all fairness to Criselda hindi bastusin ang mga pelikulang ginawa like “Init Ng Dugo” na idinirek ni Rico Tariman at sexy drama movie ni Neil Buboy Tan na “Takaw Tingin.”

Marami pang nagawang movies si Criselda at kasabay nito ang maraming kontrobersiya na ipinukol sa kanyang career at personal na buhay lalo sa magulong lovelife with an actor na involved rin sa controversies.

Pero ngayon ay iba na ang buhay ni Criselda na very positive ang aura at namumuhay nang simple sa Texas USA kasama ang mapagmahal at very supportive na partner in life na si Sheng Vogsh na may magandang trabaho sa Texas.

At yes, kapwa girl ni Criselda ang karelasyon at gaya ng normal couple ay ganyan ang buhay nila sa Amerika. Almost 13 years nang nagsasama sa iisang bubong ang dalawa.

By the way sumabay na rin sa agos ang sexy actress (Criselda) at pinasok na rin ang pagba-vlog under her official YouTube channel Criselda Volks “This Is My Life” na may thousands of subscribers na and still counting.

Maganda ang content ng Vlog ni Criselda at isa sa nakaagaw sa akin ng pansin ay ‘yung 20 Dollar Date nila ni Sheng na nagpunta sila ng mall at kumain sa food park na sobrang nabusog sila tapos may dessert pang ice cream. Pinuntahan din ng dalawa ang dating Resto bar na pinapasukan before ni Criselda at inilibre sila ng wine ng manager rito na kaibigan ng sexy star. Kita
sa mga mata ni Criselda ang joy and happiness, meaning masaya siya at kontento sa piling ni Sheng.

“Life is a learning process, na that you’re leaving in a modest life, that you’re leaving in honest life and happy life,” pagbabahagi ni Criselda sa kanyang viewers ng inspirasyon kahit nadapa’t nagkamali sa kanyang buhay noon sa showbiz.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …