Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhian, nasarapan sa halik ni Jennylyn

NAGULANTANG ang viewers ng GMA drama anthology na I Can See You: Truly. Madly. Deadly sa hindi inaasahang kissing scene ng lead stars na sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.

 

Isa ang kissing scene sa dalawang Kapuso actress sa mga dahilan kung bakit trending at usap-usapan ang pilot episode ng serye nitong Lunes.

 

Biro ni Rhian sa isang tweet, “Hi. Nakiss ko na si Miss Jennylyn Mercado. Surprise!”

 

Umani naman ng positive feedback sa viewers ang unexpected kissing scene ng dalawa. “Grabe ang bilis ng pangyayari! You really kissed her OMG… na-surprise kami roon.”

Ikinatuwa rin ng viewers ang naiibang kuwento ng serye na may halong romance at mystery.

 

“Nakatutuwa ‘yung pacing. Not a single boring scene. Just when you thought you saw everything in the teasers, ang dami pa palang pasabog. Make this a full-length series, please. Congrats to the team!”

 

Kasama rin nina Jennylyn at Rhian sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly sina Dennis Trillo, Jhoana Marie Tan, and with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ‘yan tuwing gabi, 9:15 p.m., hanggang ngayong Biyernes (Oktubre 23) sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …