Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

2 trigger-happy natiyope sa pulis (Sa Norzagaray)

HINDI umubra ang tapang ng dalawang lalaking nagsisiga-sigaan sa kanilang barangay nang arestohin ng pulisya dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 20 Oktubre.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Rogaciano Cruz at Anacleto Legaspi na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Norzagaray Municipal Police Station (MPS).

Una rito, nakatanggap ang mga PNP personnel ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na nagre-report may dalawang lalaking walang habas na nagpapaputok ng baril sa Sitio Gulod, Barangay Matictic, sa nasabing bayan.

Mabilis na nagresponde ang mga operatiba ng Bulacan CIDG at Norzagaray MPS na agad naispatan ang dalawang suspek na may bitbit na baril at tinatakot ang mga residente sa naturang barangay.

Dito na nangatog ang tumbong ng dalawang suspek nang makitang napaiikutan sila ng mga operatiba ng pulisya kaya hindi na nanlaban at sa takot na matodas ay kusang sumuko nang maayos.

Nakompiska ng mga awtoridad ang dalawang kalibre 22 rifle at mga bala mula sa dalawang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …