Thursday , December 19 2024

BTS, binoboykot sa China

MAY ilang kapitalista sa China na binoboykot ang Kpop band na BTS ng South Korea dahil lang sa isang gratitude speech ng leader nitong si RM na may kinalaman sa panggigiyera noon ng North Korea sa South Korea.

 

Sa nasabing panggigiyera, na binansagang Korean War, sinuportahan ng China ang North Korea at ang Amerika naman ay ang South Korea.

 

Binigkas ni RM ang talumpating iyon kamakailan pagkatapos na parangalan ang BTS ng organisasyong The Korean Society, na nakabase sa New York, ng tinatawag na Van Fleet Award. Ito ay parangal na kumikilala sa “distinguished Koreans and Americans for outstanding contributions to the promotion of U.S.-Korean relations.”

 

Ang parangal ay bahagi ng 70th commemoration year ng Korean War at ipinagkaloob ang award sa BTS noong October 12 sa isang virtual ceremony online. Ibinalita sa mga news at entertainment website na nakabase sa Amerika, South Korea ang award ceremonies. Ibinalita rin ‘yon sa Weibo, isang website sa China na kahalintulad ng Facebook.

 

Sa isang bahagi ng kanyang speech ay sinabi ni RM na: “… We will always remember the history of pain that our two nations shared together and the sacrifices of countless men and women.”

 

Napakarami ring fans sa China ng BTS at ang ilan sa kanila ay dinamdam na ‘di man lang binanggit ni RM na may mga Tsino rin na naapektuhan at nakadama ng sakit sa digmaang ‘yon na nauwi sa opisyal na paghihiwalay ng North at South Korea. May mga yumao rin namang Tsino sa Korean War.

 

Ipinabatid nila ang pagdaramdam at galit na ‘yon sa iba’t ibang social media. Bagama’t kino-congratulate nila ang BTS, may mga nagpahayag ng pagdaramdam. Ang iba ay tahasang ipinahayag ang galit nila at pagtalikod na sa BTS bilang mga idolo nila.

 

Nakarating sa ilang mga kapitalista sa China ang pagdaramdam at ngitngit ng mga kababayan nila sa talumpati ni RM. Sinundan ‘yon ng walang paliwanag na pagkawala sa China ng mga anunsiyo ng Samsung at Fila na ang endorser ay ang BTS.

 

Pati ang kompanya sa China na nagde-deliver ng mga merchandise na may kaugnayan sa BTS at galing sa South Korea ay ayaw nang tumanggap ng mga produkto para i-deliver ang mga ito sa fans ng BTS sa China.

 

Heto ang ilan sa comments mula sa Weibo laban sa BTS.

 

“We are proud of our soldiers who fought bravely in the war which still divides Korea today. To exclude China’s sacrifices and efforts on the global stage is an insult to our entire country,” read another comment from a Chinese netizen, which drew thousands of likes.”

 

“Your career in China is over. Kiss your success goodbye.”

 

Pati ang Chinese Foreign Ministry Deputy Director at spokesperson na si Zhao Li Jian ay nag-comment na rin tungkol sa isyu. Pahayag ng spokesperson: “We should learn from history, value love and peace, and promote friendship. These should be our common goals.”

 

Marami rin namang netizens na nagtatanggol kay RM at sa buong BTS.

 

Bulalas sa Twitter ng isang miyembro ng ARMY (tawag sa fans ng BTS): “How on earth was that an insult? I literally have no idea why some Chinese people don’t realize that it’s unreasonable to ask the rest of the world to think from China’s perspective.”

 

Nagbigay din ng opinyon n’ya ang Hong Kong democracy activist at politician na si Joshua Wong sa pamamagitan ng series of tweets. Aniya sa una n’yang mensahe sa Twitter: “Nothing could be more ridiculous when the award was given to those promoting #U.S.-#Korean relation. It’s natural to only mention the two nations. In fact, the speech didn’t even mention #China, nor anything against it, but nationalist trolls have already treated it as an insult.”

 

As of press time, walang reaction mula sa pitong miyembro mismo ng BTS o sa management company ng boyband na Big Hit Entertainment. May mga kolumnista sa South Korea na nagsasabing tama lang na huwag pansinin ang boykot dahil wala nameng matinding ipekto ‘yon sa  kasikatan ng grupo. Global na, o worldwide na ang kasikatan nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *