Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, ibinuking ang away-bati nila ni Dennis

MALAKI ang ipinagbago ng working relationship nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa bagong serye nilang I Can See You: Truly. Madly. Deadly.

 

Excited ang fans ng Kapuso couple dahil mapapanood na nila ang much-awaited reunion ng dalawa sa primetime na makakasama rin si Rhian Ramos.  Huling nagtambal sina Dennis at Jennylyn sa GMA series na  My Faithful Husband noong 2015.

 

Biro ni Jennylyn, hindi na sila nag-aaway ni Dennis sa set. “Ngayon kasi hindi na kami nag-aaway. Dati away kami ng away sa set. Mas smooth na..

 

Dagdag pa ni Jen, “Ever since naman, si Dennis, masarap siya talagang katrabaho kasi napakagaling na aktor.”

 

Para naman kay Dennis, nakatulong ang quarantine para mag-improve ang teamwork nila. “Mas nae-enjoy namin magkasama sa trabaho. Siguro dahil marami kaming time na ini-spend ngayong quarantine. Mas nag-a-adjust kami kasi magkasama kami every day. Nadala namin ‘yun kahit na nandoon kami sa trabaho.”

 

Tampok din sa ikaapat na installment ng I Can See You sina Jhoanna Marie Tan with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ang Truly. Madly. Deadly ngayong Lunes (October 19), 9:15 p.m., sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …