Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante, 2 iba pa patay (Sports car sumalpok sa trak)

BINAWIAN ng buhay ang isang negosyante at kaniyang dalawang kasama nang bumangga ang kanilang sinasasakyang Ford Mustang sa isang 10-wheeler truck na may kargang mga tubo sa kahabaan ng Circumferential Road sa Barangay Villamonte, sa lungsod ng Bacolod, noong Martes ng madaling araw, 13 Oktubre.

 

Kinilala ang mga biktimang sina Stanley Flores, isang negosyante; at mga kasamang sina Welton Porcel, at pamangkin nitong si Mark John Porcel, pawang residente sa Barangay Villamonte, sa naturang lungsod, habang kinilala ang driver ng 10-wheeler truck na si Michael Mejica, 42 anyos, mula lungsod ng Kabankalan, sa lalawigan ng Negros Occidental.

 

Ayon kay P/Maj. Charles Gever, hepe ng Bacolod Police Station 4, mabilis na minamaneho ni Flores ang Mustang at nakasunod sa trak nang bumangga ito sa mas malaking sasakyan, dakong 1:00 am kahapon.

 

Sumalpok ang kotse sa likuran ng trak at pumailalim kaya naipit sina Flores at kaniyang mga kasama na sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

 

Dagdag ni Gever, inakala ni Mejica na sumabog ang gulong ng kaniyang minamanehong sasakyan ngunit nang kaniyang tingnan, nasa ilalim na ng trak ang Mustang.

 

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya si Mejica at pakakawalan kung walang kasong isasampa laban sa kaniya sa loob ng reglementary period.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …