KINATIGAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang proposed budget ng Department of National Defense (DND) at attached agencies nito na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Government Arsenal, Philippine Veterans Affairs Office, National Defense College of the Philippines, at ang Office of the Civil Defense.
Sinabi ni Go, personal siyang dumalo sa pagdinig para ipakita ang kanyang suporta sa DND at AFP para sa kanilang pondo sa susunod na taon.
Ipinaliwanag ni Go na dahil sa vital role ng military at uniformed personnel sa pagtitiyak ng kapayapaan at seguridad ng bansa.
Inihayag din ni Go na kamakailan lang ay naaresto ng Joint Task Force Sulu ng Philippine Army ng Western Mindanao Command ang tatlong pinaniniwalaang suicide bombers sa Barangay San Raymundo sa Jolo.
Katuwang ang PNP Criminal Detection, na-recover din ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang improvised explosive device na mayroong pipe bombs at iba pang sangkap.
Ayon kay Go, isa lamang ito sa sakripisyo ng military personnel ng bansa dahil tinitiyak nila na ligtas ang buhay ng mga mamamayan at mga ari-arian sa bansa.
Dagdag ni Go, kasama niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa full support sa military at uniformed personnel na kamakailan ay kabilang sa mga inuna ng pangulo ang pagdoble sa suweldo ng mga nagsasakripisyong sundalo upang maprotektahan ang bansa. (CYNTHIA MARTIN)