IPINAGLALABAN ni Senator Grace Poe na maibalik sa itinutulak na P45.5-trilyong 2021 national budget ang P2.5 bilyong pondo para sa pagpapagawa ng public open spaces sa mga pangunahing lungsod.
Naniniwala ang senadora na malaki ang maitutulong ng mga parke at open spaces sa mga komunidad kahit sa anong panahon, may pandemya man wala.
Inilaan ang P2.5 bilyon para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng public open spaces sa ilalim ng Local Government Support Fund mula 2018 hanggang 2020.
Pinansin ng senadora na nawala ito sa pambansang pondo sa susunod na taon.
“Public spaces can provide an outlet for our strained and anxious citizens,” sabi ni Poe, base sa pag-aaral noong 2018 ng World Health Organization (WHO) na ang mga lungsod sa Filipinas ay kulang sa mga parke at open spaces na maaaring mag-exercise ang mga tao.
Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang non-contact sports gayondin ang ilang paraan ng pag-eehersisyo basta’t nasusunod ang minimum health protocols. (CYNTHIA MARTIN)