Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko at Wendell, dala-dala ang beddings at lutuan sa lock-in taping ng Prima Donnas

KASALUKUYAN pa ring naka-lock-in taping ang cast ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. Sa interview ng 24 Oras kina Aiko Melendez at Wendell Ramos, ibinahagi nila na ginawa nilang bahay ang kanila-kanilang kuwarto.

 

Kuwento ni Aiko, “What I did to my room, trinansform ko siya into my second home. Dinala ko lahat ng mga bedding na usually ginagamit ko sa bahay para ‘yung mga amoy ng anak ko nandoon pa rin. Nagdala ako ng lutuan ko, lahat talaga.”

 

Tulad ni Aiko, nagdala rin ng bed sheet at mga unan si Wendell, “May dala akong stuff na kamukha ng misis ko. Then ‘yung mga bedsheet, ‘yung mga pillow ko. May dala rin akong rice cooker at bigas.”

 

Dagdag na kuwento ni Aiko, kapana-panabik ang mga susunod na eksena sa Prima Donnas“Kailangan nilang abangan, matutuloy bang maikasal si Jaime kay Kendra? Ano bang mangyayari sa journey nina Kendra, Jaime, at Lilian? There’s so much na mangyayari talaga with the show. These six months na wala kami sa ere, we’re coming up with a big bang.”

 

Samantala, napapanood pa rin ang catch-up episodes ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …