SUSPENDIDO ang operasyon ng Pasig River Ferry System (PRFS) dahil sa makapal na water hyacinth sa ilog Pasig.
Ang suspensiyon ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makapal na water lily sa Ilog Pasig ay nahirapang makabiyahe nang maayos ang mga ferry boat.
Naging mabilis umano ang pagdami ng water lily sa ilog tuwing sasapit ang tag-ulan kaya’t hadlang ito para sa operasyon ng ferry.
Gayonman tuluy-tuloy pa rin ang clean-up activities ng MMDA sa ilog Pasig sa pamamagitan ng trash boat at trash trap.
Sa sandaling maging malinis o maayos na at maialis ang mga water hyacinth muling magbibigay ng abiso ang nasabing ahensiya para sa muling pagbubukas ng operasyon ng river ferry sa ilog Pasig. (JAJA GARCIA)