Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Betong Sumaya, tutok sa kanyang mental health

IKINUWENTO ni Betong Sumaya sa GMA Artist Center show na Quiz Beh ang kanyang paraan para matiyak na nabibigyan niya ng pansin ang kanyang mental health. Inamin niya na may pagkakataong iniiwasan niya munang manood ng balita.

 

“May times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang ‘yung cases nararamdaman mo,” paliwanag niya.

 

Binigyang-diin ni Betong na malaking tulong ang pagdarasal sa mga oras na nakakaramdam ng lungkot at may mga pagsubok sa buhay.

 

“’Yung faith mo talaga kay Lord…. wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga ‘di ba, sa rami ng mga nangyayari sa atin.”

 

Bukod dito, malaki rin ang pasasalamat ng Kapuso comedian sa nagagawang tulong ng technology para makausap ang kanyang pamilya.

 

Aniya, “Ako po, home alone talaga ako, seven months na akong home alone rito sa Quezon City. Pero siyempre, I have to make a way na makausap ko ‘yung family ko so very thankful ako na mayroon tayong Facetime at iba’t ibang ways na makausap sila.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …