Sunday , November 17 2024

70 kongresista, sinisi sa pagliit ng kita ng MTRCB

Apatnapung porsiyento ang ini-expect ng Movie abd Television Review and Classification Board (MTRCB) na mababawas sa kita nila ngayong 2020 dahil sa pagkawala ng broadcast franchise ng ABS-CBN na napakalaki pala ng ibinabayad na review fees taon-taon sa nasabing ahensiya ng gobyerno. Gayunman, isang dahilan din ang pagsasara ng mga sinehan dahil sa Covid-19 kaya lumiit ang kita ng MTRCB.

 

Mismong ang MTRCB chairman na si Rachel Arenas ang umamin nito noong nirerepaso sa Kongreso kamakailan ang proposed 2021 budget ng ahensiya.

 

Ayon sa MTRCB, noong 2019 ay  P22.75-M ang naibayad ng ABS-CBN sa kanila na review fees, at ‘yon bale ay 16% sa kinitang P136-M ng ahensiya noong 2019.

 

Ngayong 2020, ang naibayad nila ay P7.4-M pa lang. Kasi nga, wala na silang prangkisa para magpalabas para sa pangkalahatang free TV.

 

Hindi pa kasali sa kuwenta ng kita ng MTRCB ang hiwalay na ibinabayad ng Kapamilya Network para sa pagri-review ng mga pelikula ng Star Cinema.

 

Under the MTRCB’s schedule of fees and charges effective since 2014, a P500 review fee is charged for every show airing up to 30 mins. Reviews for an hour-long show is priced at P1,100 while a review for a 2-hour show is worth P1,600.

 

Separate fees are charged for the review of full-length films, trailers and sample plugs for every television program.

 

Sa fourth quarter (October to December) umaasa ang MTRCB na tataas ang kita nila sakaling magbukas nga uli ang mga sinehan sa kasalukuyang buwan, at magtuloy-tuloy na ito hanggang sa 2020 Metro Manila Film Festival (na nagsisimula sa December 25 at nagtatapos sa unang linggo ng Enero.)

 

Makakadagdag din sa kita ng MTRCB ang pagpapa-review ng mga bagong show ng TV5 at Net 25.

 

Maraming netizens ang hayagang sinisisi sa pagliit ng kita ng MTRCB ang 70 miyembro ng House of Representatives na bumoto na huwag i-renew ang broadcast franchise ng ABS-CBN.

 

‘Di raw naisip ng 70 mambabatas ang magiging epekto sa pananalapi ng pamahalaan ng pagtanggal ng prangkisa ng Kapamilya Network.

 

Mahirap asahang maisip ng 70 kongresista ang kita ng gobyerno lalo pa’t ‘di rin naman nila isinasaalang-alang ang hanapbuhay ng 11,000 empleado ng ABS-CBN sa buong bansa.

 

Papalapit na ang Kapaskuhan. May lakas kaya ng loob (o kapal ng mukha) ang 70 ‘yon na bumati ng “Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!” sa madla?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *