Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gentleman’s agreement itinumba ng numero ni Cayetano (Velasco nalansi sa round 2)

ni ROSE NOVENARIO

NAG-IBA ang ihip ng hangin sa Palasyo kahapon matapos magwagi si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano sa round 2 ng ‘boksing’ nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker kahapon.

Wala pang 24 oras mula nang muling pulungin kamakalawa ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kongresista para matupad ang 15 -21 term sharing agreement nina Cayetano at Velasco bilang Speaker, pero tila nabahag ang buntot ng Punong Ehekutibo nang hindi sundin mismo ng mga kongresista ang kanyang payo na sundin ang gentleman’s agreement na kanyang binuo noong 2019.

“Stay out tayo riyan. No comment tayo riyan. That’s a purely internal matter of the House of Representatives,” pahayag ni Pangulong Duterte na ipinarating kay Presidential Spokesman Harry Roque kahapon matapos masungkit muli ni Cayetano ang pagiging House Speaker nang tanggihan ng mga kapwa kongresista ang kanyang inihaing resignation bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Roque, batay sa kanyang narinig sa mismong bibig ng Pangulo, kung walang numero si Velasco ay wala siyang magagawa.

“Well, ang narinig ko lang po sa bibig ng Presidente, tinanong kasi siya, paanong mangyayari kung wala pong numero si Congressman Lord Allan Velasco at ang sabi ni Presidente e kung wala siyang numero wala na akong magagawa, iyon ang sagot niya. Pero roon sa nangyari kahapon, ang sabi naman po ni Congressman Alan ngayon ay sinabi lang naman niya kay Presidente na bagamat ako ay magre-resign kinakailangan may numero pa rin si Congressman Lord Allan at hindi naman po daw umimik ang ating Presidente. So, parang… hindi ko po alam kung anong basa doon,” ani Roque sa panayam sa DZRH kahapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …