Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No-el 2022 pakana ni Duterte — KMU

ni ROSE NOVENARIO

KOMBINSIDO ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng no election (no-el) scenario na ipinanukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo.

“Kumpas ni Duterte ‘yang pagpapanukala ng ‘no-el’ nang ‘mabigyang-matwid’ ang kahibangan at kauhawan niya sa estado poder. Mula sa nakubra niyang mga proyekto sa Tsina noong umpisa pa lang, ngayon ay tuwang-tuwa siyang nagpapakasasa sa kaban ng bayan na ninanakawan niya sa gitna ng pandemya,” sabi ni Jerome Adonis, KMU secretary general, sa isang kalatas.

Giit niya, ‘constitutional right’ ng mamamayan ang pagdaraos ng halalan at paglahok sa pagpili sa susunod na mga pinuno ng bansa.

“May ia-adjust talaga dahil sa pandemya. Pero kung simpleng ‘no-el’ ang mangyayari, kailangang pakialaman ang konstitu­syon sa pamamagitan ng ChaCha. Malaya nilang maipapasok lahat ng gusto nilang ilagay sa bagong konstitusyon para lalo pang makinabang ang mga kroni at dayu­han. Hindi taumbayan ang makikinabang kung walang eleksiyon,” wika ni Adonis.

Pakana umano ng administrasyon ang taktikang ‘no-el’ upang pagtakpan at lumusot sa pananagutan sa mga mamamayan sa kapalpakan sa panahon ng pandemya.

“Walang silbi sa mamamayan ang mga patakaran ni Duterte mula pa noon at hanggang ngayon. Kasuka-suka na ginagamit ang pandemya para isulong ang mga hakbang na nagpapa­lawig sa kapangyarihan ni Duterte at ng kanyang ‘utak-pulburang gang.’ Muhing-muhi ang mama­mayan sa kabulukan nila. Walang maniniwala sa pakana nilang ito,” dagdag ni Adonis.

“Pinatunayan ng kasaysayan nang binaboy ni Marcos ang eleksiyon at ipinagkait ito sa mamamayan, naghanap ang bayan ng ibang paraan para mapalitan siya. Gaya kay Marcos, kating-kati na ang mga Filipino para palitan si Duterte – at gagawin nila ito, sa pamamagitan man ng eleksiyon o ibang paraan,” babala ng KMU kay Pangulong Duterte kapag ipinilit ang ‘no-el’ sa 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …