Sunday , November 17 2024

Xian at Ricky, magdidirehe sa CCP

KINUHA ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sina Ricky Davao at Xian Lim para magdirehe ng ilang produksiyon para sa mistulang festival na Sining Sigla na proyekto ng mismong CCP president na si Arsenio “Nick” Lizaso.

Mula Oktubre hanggang Disyembre itatanghal ang proyekto na hindi lang mga pang-entablado kundi pampelikula rin.

Actually, ‘yung ididirehe ni Xian ang kakaiba dahil puppetry films ang mga ‘yon. Ang mga ‘yon ang magiging kauna-unahang puppetry films sa bansa. Ii-stage ‘yon ng ventriloquist-puppeteer na si Ony Carcamo (lalaki po siya!) na noon ay naging entertainment editor ng isang tabloid na ang publisher ay ang The Manila Times.

“MALA” ang bansag sa dalawang puppetry films na gagawin nina Xian at Ony dahil ang mga ito ay Movies Adapted from Literary Arts. Ganoon ang titulo dahil adaptation ng Ibong Adarna at Florante at Laura ang isa sa pelikula nila na ang gaganap ay mga puppet.

Parehong maraming tauhan at parehong hitik ang plot ng dalawang sinaunang literary works na Ibong Adarna at Florante at Laura ‘di madaling isapelikula ng buo, kaya ia-adapt nila ang mga ito.

“Kaya ‘mala’ lang po ‘yung itatanghal namin at hindi ‘yung mga original na ‘Ibong Adarna’ at ‘Florante at Laura,’” paliwanag ni Ony noong virtual press conference para Sigla festival.

Masasabing unang nasangkot ang Viva Entertainment Star na si Xian nang nagkaroon siya ng entry sa 2019 Cinemalaya na marami namang nanood at nagkagusto. And, happily, nag-participate naman si Xian sa Zoom media conference ng Sigla.

Sa kabilang banda, si Ricky Davao ay matatawag nang isang batikang director sa GMA 7, bukod pa sa pagiging aktor sa pelikula, telebisyon, at entablado–pero ngayon pa lang siya magdidirehe para sa CCP. Actually, parang festival-within-a festival ang ididirehe n’yang  Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan. “Mini-festival” itong maituturing dahil nga may iba’t iba itong components na directly or indirectly ay may kinalaman kay Huseng Batute. 

Kabilang sa mga ididirehe ni Ricky ay sina John Arcilla, Lara Maigue, at si Michael V ng Kapuso Network na magiging host ng mini-festival.

Kung medyo sawa na kayo sa pop music at sa labas-litid na pagkanta, siguradong mag-e-enjoy kayo sa Jazz Stay at Home na itatanghal Sept. 25 hanggang Oct. 5.

Kabilang sa mga jazz artist na itatampok sa Jazz Stay at Home sina Nicole Asensio, ang magkapatid na pianistang si Pipo Cifra at jazz singer na si Lorna Cifra, ang saxophonists na sina Tots Tolentino at Michael Guevarra at ang all-women jazz vocal group na Baihana na kinabibilangan ng anak ni Ryan Cayabyab na si Krinna.

In December, the Philippine Philharmonic Orchestra will headline a virtual Christmas concert called Pamaskong Handog ng PPO.

Of course, virtual pa lahat ng pagtatanghal. Abangan n’yo po sa CCP Facebook page. ‘Yung sa PPO ay mapapanood din sa PPO Facebook page.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *