Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatalunin ko ang pandemic —Taekwondo champion

 ni TRACY CABRERA

IPINANGAKO ni dating world taekwondo champion Rinna Babanto sa kanyang sarili na tatalunin niya ang (coronavirus) pandemic at para makamit ito, naghahanap siya ng mga paraan para makabalik sa dating liksi sa pamamagitin ng matinding pagsasanay at mahigpit na health regimnen.

Sa nakalipas na edisyon ng Southeast Asian Games, o ang 30th SEAG, sa Maynila nang nakaraang taon, naibuslo ni Babanto ang dalawang medalyang pilak kaya kompiyansa siyang magagawa rin ng mga miyembro ng pambansang koponan ng taekwondo ang magandang performance sa mga pandaigdigang kompetisyon sa sandaling bumuti ang situwasyon sa kabila ng krisis dulot ng coronavirus.

“We continue to work hard even during this pandemic.Our coaches want all of us in the national team to be always ready to compete and represent the country,” wika niya sa Zoom.

Ang 23-anyos na Cebuana ay regular na nagsasanay sa La Salle na kasalukuyan siyang naka-stay in.

Isang sports management student sa La Salle, pinuri ni Babanto ang Philippine Taekwondo Association (PTA) sa pagpapanatili nito sa mga atletang tulad niya na makalahok sa mga online competition kahit may mga quarantine lockdown at pagkabalam ng ilang mga patimpalak sa taekwondo.

“The PTA is holding online poomsae competitions every other month, which is good dahil nakapag-participate iyong ibang mga bata who are just staying at home,” aniya.

Sumikat siya sa pagsungkit ng gintong medalya sa under-17 women’s team event sa ika-8 World Poomsae Championship sa Bali, Indonesia noong 2013.

“Our coach regularly gives us assignments as part of our attendance. We train every day. We even watch motivational and psychological videos from our coaches. So, kahit stranded ako rito sa Manila, hindi naman ako mag-isa. May bonding pa rin kami ng teammates ko kahit ngayon may pandemic,” dagdag ni Babanto.

“Matagal na akong independent at matagal na rin ako sa national team. I’m known for my mental toughness. Iba ‘yong switch ng utak ko pagdating sa game,” sabi ng dalaga.

Umani ang kanyang pagpupunyagi para mapanalunan niya ang MVP honor sa UAAP Season 81 poomsae tournament.

“I’m very happy napag-champion ko uli ang La Salle,” paggunita niya.

Nang tanungin ukol sa kanyang mga plano kasunod ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo, tumugon siya na nais niyang maging coach para sa mga susunod na atleta ng bansa.

“Right now I’m working on my thesis. Wala na akong plano na mag-take ng masteral and continue to be a part of the UAAP team. Focus na sa national team and maybe coaching,” pagtatapos ng dalaga.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …