Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cebuana Beauty Queen lalahok sa basketbol

HINDI lang ganda ang maipagmamalaki ni Katherine Jumapao, may talent rin siya sa sports at ibibigay niya ang lahat para makamit ang kanyang mithiing maging isang professional basketball player makaraang isumite ang kanyang aplikasyon sa Women’s National Basketball League (WNBL), na kamakailan ay tinanggap ng Games and Amusement Board (GAB) para mapaangat ang liga sa pro status tulad ng Philippine Basketball Association (PBA).

Isa sa mga standout ng Cebu Women’s Basketball League (CWBL) na walang takot na makipagsabayan sa mga kalalakihan sa larangan ng basketbol, inihayag ni Jumapao ang labis na pagkatuwa na sa wakas ay may oportunidad na siyang ipakita ang kanyang basketball talent sa propesyonal na antas.

Kinilala ni GAB chairman Baham Mitra na ang basketbol ay hindi lamang para sa mga lalaking manlalaro sa pagkakatatag ng WNBL kaya nga mayroon na ngayong plataporma ang mga aspiring Pinay para iparada ang kanilang husay sa basektbol.

“What is happening today (is that) the National Basketball League (NBL) is advocating gender equality,” punto ni Mitra.

Binigyang-diin ni NBL executive vice president Rhose Montreal na ang pagkakaloob ng professional status sa WNBL ay katuparan ng pangarap ng maraming mga atletang Pinay na nagnanais maging hanapbuhay at career ang basketbol.

“Bliss fills my heart knowing that women can now showcase their basketball talent. This would further motivate little girls to know that their hard work is going somewhere—the big league,” ani Jumapao.

Noong 2015, lumahok ang 29-anyos Cebuana sa Miss Cebu pageant at kasunod nito ay kinoronahan siya bilang Miss AAA Renaissance Cebuana makalipas ang tatlong taon.

Ngayong malapit nang mag-30 taong gulang, inamin ni Jumapao na may agam-agam siya sa pag-apply sa WNBL dahil aalamin pa niya kung kayang makipagsabayan sa mas batang mga manlalaro. Sa huli’y dinaig niya ang negatibong pananaw at napagpursigihan ang pagnanais na maging pioneer sa larangan ng professional women’s basketball.

“I am taking this challenge because I want to be a pioneer in the pro league. WNBL’s mission is also aligned to my advocacy on women empowerment and my sports campaign ‘Move’. I will be able to influence more with this big mileage,” kanyang paliwanag.

(Kinalap ni TRACY CABRERA)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …