Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, may hamon kay BB Gandanghari — Maglabas ka ng ebidensiya kung may utang ako kay Rustom Padilla

NOONG September 14, Lunes, sumagot si Ogie Diaz kay BB Gandanghari sa panlalait nito sa kanilang hitsura nina Lolit Solis at Cristy Fermin at sa umano’y may utang pa siya kay Rustom Padilla, ang dating katauhan ni BB.

Ito’y matapos silang magbigay ng reaksiyon sa ginawang rebelasyon ni BB na may nangyari sa kanila ni Piolo Pascual noong nasa America sila.

Sa ipinost na video ni Ogie, sabi niya, “Eh, ‘di, ikaw na ang pinakamaganda sa amin. Kumbaga, kung apat tayong magkakapatid, kunwari ikaw ampon, ‘di ba? Ibigay natin kay BB Gandanghari na siya ang pinakamaganda. Maganda ka BB, ikaw pinakamaganda sa amin. Noong bumabae ka, napakaganda mo.”

 

Tungkol naman sa sinasabing utang niya kay Rustom, ang sabi ni Ogie, “’Yung utang, utang na loob, wala akong utang na kay Rustom Padilla. Hindi ko kailangang i-dignify iyan. Kahit sinong ituro mo sa akin, sinong pinagkakautangan ko, sabihin mo sa akin.Kung pera man ‘yang tinutukoy mo, BB, wala akong matandaan na may utang ako kay Rustom, noong dating Rustom ka pa. Una, mas galante si Robin Padilla kaysa kay Rustom Padilla (nakababatang kapatid ni BB). Pangalawa, mabait sa akin si Rustom Padilla, pero hindi kami ganoon ka-close.”

Sa pagkakaalam din ni Ogie, wala siyang atraso kay Rustom.

“Kung ang sinasabi mo utang kay Rustom ay kung may kasalanan ako kay Rustom, may atraso ako sa kanya, may nasabi akong ‘di maganda sa kanya, tell me, kung ano ‘yung mga ebidensiya mo, ‘di ba? Kung may mga ebidensiya ka, tell me, ‘di ba? Kaya naman, alam mo, Rustom, the burden of proof is always on the accuser, ‘di ba? Accuser ka, nasa iyo ang burden of proof. Ngayon, maglabas ka ng pruweba na ako nga ay may utang, kasalanan, atraso kay Rustom, noong Rustom Padilla ka pa. 

 

“Kung mayroon man at maaalala ko na, ‘Oo nga, may kasalanan ako kay Rustom,’ naku, kahit magbagong anyo ka, kay Rustom ako magso-sorry. Hindi sa iyo. Kasi binago mo ang hitsura ni Rustom.”

Sa huling bahagi ng kanyang video, nagpaliwanag si Ogie kung bakit sumagot pa siya kay BB.

Siguro ‘yung iba, nanibago, ‘Sana hindi na pinatulan ni Ogie.’ Hindi po, eh. ‘Pag ako pinaratangan ako na may utang ako, roon ako aaklas. Sabihin bang may utang ako kay Rustom. Pera man iyan atraso o kasalanan, patunayan mo nga kung ano nga iyon, detalyado, hindi ‘yung sinabi mo lang. Kung ano nga ‘yon…andami mong… arte-arte mo pa. Huwag nang bumabae.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …