Saturday , May 10 2025

Bawas distansiya sa PUVs tuloy (Hanggang ‘di ipatigil ni Duterte)

WALANG pipigil sa pagpapatupad ng bawas-distansiya sa mga pampublikong sasakyan hanggang hindi ito ipinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, anomang oras ay magpapasya si Pangulong Duterte kung ipahihinto ang implementasyon ng bawas-distansya sa public transport.

“So until the President revokes it, I think it will be implemented,” ani Roque sa panayam sa CNN kahapon.

Ibig sabihin, ipatutupad pa rin ng Department of Transporation (DOTr) ang patakaran na 0.75 metrong distansiya mula sa isang metro para sa mga commuter.

Ayon kay Roque, nabigo ang Inter-Agency Task Force (IATF) na magkasundo sa patakaran sa bawas-distansya kaya ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang desisyon sa usapin.

“Si Presidente na po ang magde-decide. Ang aking ulit-ulit na sinasabi, nakabase po ito sa siyensiya at sa mga advice ng mga doctor, dahil ang mga doctor, iba-iba rin po ang mga pananaw,” aniya.

“Wala pong isang opinyon pagdating dito sa pagbawas ng isang dangkal lang naman na social distancing sa pampublikong mga transportation,” dagdag niya.

Ipinatupad ng pamahalaan ang bawas-distansiya sa kabila nang panawagan ng World Health Organization na panatailihin ang isang metrong physical distance para hindi magkahawaan ng CoVid-19 virus.

Sa ginanap na public address ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi kasama ang ilang miyembro ng IATF, umalma sina Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at Health Secretary Francisco Duque sa bawas-distansiya habang si National Task Force on COVID-19 response chief implementer Carlito Galvez ay pabor sa patakarang ipinatupad ng DOTr kahit wala sa resolution mula sa IATF.

Inutusan sila ng Pangulo na magsumite ng visual presentation ng kanilang mga paninindigan sa bawas-distansiya upang lalo niyang maintindihan ang argumento ng bawat panig at maging gabay niya sa pagpapasya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *