Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Lalaki sinita ng parak dahil walang face mask kumasa sa resbak

RUMESBAK ang isang lalaki nang sitahin ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) na nagba- bike patrol nang maispatan na walang suot na facemask kahapon ng umaga sa McArthur Bridge, sa Ermita, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Lawton Police Community Precinct (PCP), isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang sugatang suspek na kinilalang si Joel Limacob, nasa hustong gulang, residente sa Barangay 659, Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-PS5, dakong 10:20 am nang naganap ang insidente sa naturang lugar, ilang metro ang layo sa Lawton ferry habang nagpapatrolya ang District Mobile Force Battalion (DMFB) nang makita ang suspek na walang suot na damit pang-itaas, walang facemask, at face shield.

Kasunod nito, akmang lalapitan ng DMFB Bike Patrol Team sa pangunguna ni P/Cpl. Tobiagon pero bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa mga pulis.

Dito umano napilitang paputukan ng pulisya ang suspek upang disarmahan.

Tinamaan ng bala sa katawan ang suspek na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na ospital. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na …

Pag-IBIG BBM

Pag-IBIG backs precast housing with Megawide, targets over 7,000 units in two years

Pag-IBIG Fund highlighted the role of public-private partnerships and modern construction technology in accelerating socialized …

Tess Mamac

Sa Angeles, Pampanga
Bangkay ng missing wife ng ex-Tserman, nahukay sa loob ng sariling bakuran

KINOMPIRMA ng mga awtoridad ang pagkakatagpo sa isang bangkay na pinaniniwalaang ang nawawalang asawa ng …

Sigarilyo Yosi

Sa kalakalan ng mga ilegal na sigarilyo
2 politikong protektor ng ‘tobacco lord’ target sa tinaguriang  ‘bagong POGO’  
Isyu ng Labor Code violations sinisilip din

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang tatlong abandonadong pabrika ng ilegal na sigarilyo sa Pampanga, na …

handcuff sex posas

Natiyempohang bumebembang
Delivery rider timbog sa boga’t droga

ISANG rider ang inaresto matapos ang search operation na isinagawa sa kaniyang mismong bahay na …